Maine todo sa pagpo-promote
MANILA, Philippines — Achievement unlocked for Maine Mendoza ang guesting niya sa Tonight with Boy Abunda kagabi.
Todo nga ang pagpo-promote nina Carlo Aquino and Maine para sa pelikula nilang Isa Pa Nga With Feelings. “Surreal! Never thought I’d have the opportunity to be here - EVER! Achievement unlocked maexperience ang fast talk ni Tito Boy aaaaahhhhh mamayang gabi na to, guys! #chocolates lol,” sabi ni Maine sa kanyang Twitter account kahapon.
Inaabangan nga kung makakayang habulin sa takilya ng Isa Pa With Feelings ang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards and Kathryn Bernardo ng pelikula nina Carlo and Maine. Almost 1 billion na ang kinikita ng HLG.
- Latest