^

PSN Showbiz

John ayaw munang paartehin ang anak

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
John ayaw munang paartehin ang anak

Pumasok na rin sa pag-aartista ang daughter ni AiAi delas Alas na si Sophia. Like her mom, isa na ring Kapuso ang La Sallistang artista na matatandaan ay pinagsikapan ng komedyana na sa US patirahin at pagtapusin ng kaniyang pag-aaral.

Napanood na rin siya sa ilang projects ng kanyang ina gaya ng Sons of Nanay Sabel at Feelenial na naniniwala rin na hindi makakahadlang sa kanyang anak ang pagkakaroon nito ng boyfriend. 

Napag-uusapan na rin ang mga anak ng artista na malaki ang posibilidad na sumunod sa yapak ng kanilang mga artistang magulang, ang pitong taong gulang na anak nina John Estrada at Priscilla Meirelles na si Anechka ay inaawitan na rin ng mara­ming gumagawa ng pelikula na sumama sa kanilang produksyon pero, ayaw pa ng kanyang mga magulang, lalo na ni John, na gustong ma-enjoy muna ng kanyang only child ang kabataan nito at ang pag-aaral. Namana ng bata ang magandang looks ng kanyang parents.

Julie mas magaling sa contestant ng Clash...!

Marami ang nakakapansin na bukod sa magaganda nilang boses ay marami sa sumasali sa The Clash ng GMA ay mukhang artistahin, lalo na ang mga babaeng contestants. Patuloy pa rin  si AiAi delas Alas sa pagsusuot ng kanyang mala-out of this world costume pero, hindi kay Lani Misalucha mahihirapan ang mga kalahok na makakuha ng boto kundi kay Christian Bautista. Ito ang nagsisilbing pinakamapiling hurado. In the end, talagang mahihirapan sa kanilang mga laban ang mga nananalo sa weekly race.

Gaya ng mga winner nung Linggo na sina Nicole Apolinar, Janina Gonzales, Sossa Dagdag, Jessel Lambun na hindi basta mga ordinaryong kontisera, mayro’n silang kakaibang istilo na magpapahirap sa mga hurado na pumili ng winner. Kakatuwa lang sa nasabing episode ay nakita si Julie Anne San Jose na tumatawid ng stage na hawak-hawak ang kanyang gown na parang malalaglag ito. Para ring hindi maganda na kinanta nito ang isang song piece ng isang contestant dahil tanggap naman ng lahat na mas magaling siya kaysa mga kalahok. Tsk. Tsk. Tsk.

Fries sa brief ‘di papasa sa mga Pinoy

Sigurado akong hindi papasa rito kung gagayahin natin yung isang komersyal ng isang food chain na napapanood sa Japan na nagtatampok sa isang endorser na naka-red briefs lamang at labas ang pubic hair na fries. Hindi naman ganun ka-gross ang mga Pinoy, noh!

Dating mga taga-That’s pumapapel sa beauty contests

Pumapapel sa mga beauty pageants ngayon ang ilang That’s Entertainment member na ilang araw lamang ay nagkaro’n ng isang matagumpay na reunion sa pangunguna ng isa na namang maituturing na isang matagumpay na That’s Entertainer na si Manila Mayor Isko Moreno.

Ang bagong hirang na Mrs. Universe Philippines na si Charo Laude ay dating alaga ni Kuya Germs. Magku-compete siya sa China sa December 2019. Another beauty contest winner na taga-That’s...din ay si Patricia Javier na humahawak ng titulong Noble Queen of the Universe.

Kukumpleto sa Magic 8 ilalabas na

Ilang araw na lamang ay malalaman na kung aling apat na pelikula ang kukumpleto sa Magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2019. Apat sa mga pelikulang sumusunod ang kasama sa pilian: Isa Pang Bahaghari, Culion, Mindanao, The Hei­ress, Tripol Tribol, Love Is Love, Damaso The Musical at Tagpuan.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with