^

PSN Showbiz

Inigo inayusan ng stylist nina Nam Joo Hyuk, Jason Derulo, etc

Pilipino Star Ngayon
Inigo inayusan ng stylist nina Nam Joo Hyuk, Jason Derulo, etc
Inigo Pascual

Inilunsad na ni Inigo Pascual ang pinaka-inaabangang music video para sa una niyang solo international single na Options at kinunan pa ito sa Seoul, South Korea.    

Pinangunahan ng South Korean commercial director na si Dawittgold ang produksyon ng music video na dati nang nakatrabaho ang mga sikat na K-pop group gaya ng EXO, FTIsland at NCT.

Nagpapasalamat at inaasahan ni Inigo ang pagiging matagumpay ng kolaborasyon lalo na’t ito ang unang beses niyang makipagtrabaho sa isang international production crew. Isa siya sa mga mang-aawit na unti-unting pumapasok sa international music scene sa pagsisikap ng ABS-CBN na ipakilala ang mga talento ng Pinoy sa buong mundo.

Tumagal ng dalawang araw ang pag-shoot sa Options music video na kinunan sa dalawang magkaibang lokasyon gamit ang walong magkakaibang set.

Si Young-jim Kim naman ang nagbihis kay Inigo para sa music video ng Options gamit ang Yves Saint Laurent at Versace pieces. Naging sty­list na siya ng Korean stars na sina Daniel Kang, Nam Joo Hyuk, grupong NCT at Amerikanong mang-aawit na si Jason Derulo.

Kahit sa ibang bansa ang produksyon, bitbit pa rin ni Inigo ang bandera ng Pilipinas dahil ang celebrity dance mentors na sina Matt Padilla at AC Lalata na dating mga miyembro ng Philippine All Stars ang nag-choreograph ng sayaw para sa music video.

Panoorin ang Options official music video sa YouTube channel ng Star Music. Maaari rin itong abangan sa nangungunang music channel ng bansa, ang MYX. 

Pelikula ni Alma noong 1977 napapanood na uli

Ang kontrobersyal na period drama at 1977 MMFF movie na Mga Bilanggong Birhen, na nagpakita ng kalunos-lunos na estado ng mga Pilipino sa panahon ng okupasyon ng Amerika sa Pilipinas, ay nagbabalik muli sa pinilakang tabing para mapanood ng bagong henerasyon sa pamamagitan ng digitally-restored version na pinangunahan ng ABS-CBN Film Restoration at kasama din sa Cinema ‘76 Classics line-up mula Oktubre 4 hanggang 27.

Sinimulan itong idirehe ng yumaong batikang direktor na si Mario O’Hara at tinapos ng direktor na si Romy Suzara, ang classic film na ito ay pinagbibidahan nina Rez Cortez, Leroy Salvador, Mario Montenegro, Armida Siguion-Reyna, at ang batang-bata pa na noong si Alma Moreno.

 Nagsilbing komentaryo ang pelikula sa kinahinatnan ng Pilipinas noong 1920s. Sa isang maliit na bayan sa Visayas noong 1923, ipinakita ang pag-usbong muli ng mga rebolusyonaryong “pulajanes” dahil sa pasakit na nararam­daman sa pananakop ng mga Amerikano, lalu na ang pamamayagpag ng mga mayayaman sa lipunan, ang patuloy na paglaganap ng kahirapan, at ang kawalang aksyon sa tiwaling agrikultural na sistema ng bansa.

Ang pelikulang Mga Bilanggong Birhen ay ang sumunod na pelikula ng premyadong direktor na si Mario O’Hara matapos ang kanyang obrang  Tatlong Taong Walang Diyos.

Sa movie premiere sa Cinema ’76 Anonas, ipinahayag ni Alma Moreno ang labis na pasasalamat na mabigyan ng pagkakataong maging bida ng obra nina Direk O’Hara at Suzara. “Noong una akong tinawagan na na-restore itong “Mga Bilanggong Birhen, hindi ako naniwala. Pero nagpapasalamat ako kasi nandito ‘rin si Direk Romy at syempre, kahit wala na siya, kay Tita Midz na kumuha sa akin sa movie na ito. Sobrang ganda po nito….batang-bata pa po ako noon pero  ang dami ko pong natututunan sa’yo,” taos-pusong pahayag ni Alma.

Simula Oktubre 4 at tuwing Biyernes at weekends ng buwan ekslusibong mapapanood ang  Mga Bilanggong Birhen sa Cinema ‘76 San Juan at Anonas branches, kasama ang walo pang ibang digitally-restored na mga pelikulang Pilipino na kinikilalang kahalinhin ng mga de kalidad na pelikula ng kulturang Pilipino - Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon?, Minsa’y Isang Gamu-gamo,  Nunal sa Tubig, Tatlong Taong Walang Diyos,  Bata Bata Paano Ka Ginawa?, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Ang TV Movie: The Adarna Adventure, at Saan Ka Man Naroroon.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with