^

PSN Showbiz

Mga babaeng gustong mag-selfie sa bar, mas pinili ang waiter kesa sa singer-actor na maldito

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang dami ng kuwentong umiikot ngayon tungkol sa hindi kagandahang ugali ng isang pamosong young singer-actor. Parang naipon ngayon ang mga kuwento dahil dati ay may pumipigil pang lumabas ang mga ganu’ng istorya.

Pero nang mawala na sa bakuran ng produksiyon ang young male personality ay heto at nagsasalimbayan na ang mga istorya tungkol sa kanyang kaangasan.

Minsan ay natiyempuhan siya ng mga kolehiyala sa isang bar. Natural, nakuha niya ang atensiyon ng mga estudyante, naging interesadong makapagpa-picture sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman siya nilapitan agad, pero may plano ang mga girls, ang makipag-selfie sa kanya. Nagkuwentuhan muna ang mga kababaihan, pinatagal pa nila ang paglapit sa young male personality.

“Pero nu’ng may isang kolehiyalang lumapit na sa kanya para magpaalam, e, nagkamot siya agad ng ulo! May respeto na nu’ng lagay na ‘yun ang babae, ha? Nagpaalam muna bago siya lapitan ng grupo!

“Aba, ang young male personality, nagtanong pa sa girl, ‘Why did you come here? Di ba, to at least enjoy the night? That’s also the reason why I’m here!’

“Matalino naman ang girl, nakuha niya agad ang ibig sabihin ng young male personality, nagpasalamat na lang siya. Pagbalik niya sa grupo, e, ikinuwento niya ang nangyari.

“Sa halip na talakan nila ang supladong young male personality, e, nagpa-picture sila sa mga waiters! Ipinakita talaga nila sa malditong young actor ang ginagawa nilang pagpaparetrato sa tabi ng mga waiters na hindi naman kaguwapuhan!

“Parang ‘yun ang na­ging paraan nila para insultuhin ang guwapo ngang male persona­lity, pero napakaangas naman! Nu’ng umalis na ang mga girls, ni hindi nila tiningnan ang young actor na napakasuplado naman pala sa personal!” natatawang kuwento ng aming source.

Siya rin ang young actor na hanggang maaari ay ayaw nang makatrabaho ng mga produksiyong namamahala sa paggawa ng mga commercials.

Patuloy ng aming source, “Kasi nga, e, walang ka-PR-PR ang mokong na ‘yun! May sarili siyang mundo, ang PA lang niya ang kinakausap niya habang nagtatrabaho sila!

“Ang tanong nga ng mga nakakaalam sa tunay niyang ugali, e, paano raw kaya siya natatagalan ng girlfriend niya? Pagmamahal lang daw siguro ang dahilan, mukha kasing ang girl ang inlabey na inlabey sa young male personality na ‘yun na nuknukan nang kasupladuhan!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden laging priority ang happiness ng fans

Kalat na kalat na talaga ang matinding karisma ng Pambansang Bae. Sa pag-uwi namin sa probinsiya ay siya ang pinakikibalitaan sa amin ng lahat.

Para kaming nagpe-presscon sa harap ng ­aming mga pinsan at pamangkin, sila ang jeep-jeep na nanood ng Hello, Love, Goodbye sa Cabanatuan City, maka-Alden Richards na silang lahat ngayon.

Paano naman kasi, nagkaroon sila ng hindi kagandahang karanasan nang makita nila nang personal ang isang sikat ding young actor. Tinatawag daw nila ang pangalan nito pero parang walang naririnig.

“Ang lapit-lapit lang namin sa kanya, tinatawag namin ang name niya, pero suplado siya! Ni hindi siya tumitingin, e, napakalapit lang naman niya sa amin!” ayaw na raw nila ngayon sa sikat ding young actor.

Gabi-gabi nilang sinusuportahan ang The Gift ni Alden Richards, ang nakakatawa ay sila-sila rin namang ang nagkukuwentuhan kinabukasan tungkol sa naganap sa serye, Pinoy na Pinoy ang ganu’ng istilo.

Hindi raw kasi nila akalain na ganu’n pala kahusay na aktor si Alden, nu’ng mapanood daw nila ang HLG ay nagsi­mula na ang pagkagusto nila sa aktor na kahit sa mala­yuan ay alam mong mabait at maka-Diyos, wala silang pinalalampas na episode ng The Gift.

Natural, bahagi ng a­ming mga kuwento sa kanila ang ipinakitang kawalan ng kaartehan ni Alden nang dalhin namin siya sa fiesta nina Tita Flory Estrada, dinumog sa San Rafael si Alden, pero kahit kaunting reklamo ay wala kaming nakita sa kanya.

Humble at ma-PR si Alden Richards, katwiran niya ay hindi naman siya makikita sa araw-araw ng mga kababayan natin, kaya ibi­nibigay niya ang lahat ng kanyang pagkakataon para mapasaya ang mga ito sa bawat lugar na pinupuntahan niya.

Ganu’n din sana kay Alden Richards ang maisip ng mga artistang nagpapairal ng kaangasan at kayabangan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with