^

PSN Showbiz

Joshua Garcia piniling mag-'kiddie party' sa ika-22 kaarawan

James Relativo - Philstar.com
Joshua Garcia piniling mag-'kiddie party' sa ika-22 kaarawan
Sa kanyang Instagram account, makikita ang ilang litrato ni Joshua kung saan galak na galak siyang kasama ang mga mascot ng isang tanyag na fast-food chain.
Instagram/Joshua Garcia

MANILA, Philippines — Kadalasang handaan sa bahay o inuman ang paraan ng selebrasyon ng mga lalaking nagbi-birthday sa kanilang 20s. Pero hindi ang Kapamilya star na si Joshua Garcia.

Sa kanyang Instagram account, makikita kasi ang ilang litrato ni Joshua kung saan galak na galak siyang kasama ang mga mascot ng isang tanyag na fastfood chain.

"Happy Birthday to me," kanyang sabi sa kanyang paskil online.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Birthday to me.

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 

Ngayong araw, ika-7 ng Oktubre, ang kanyang ika-22 kaarawan.

Ang aktor, na nakipaghiwalayan sa dating nobya na si Julia Barretto ilang buwan pa lang ang nakakaraan, binaha naman ng pagbati mula sa mga kasama sa showbiz industry.

"Happiest Birthday Berbeeer @garciajoshuae," bati ni Maja Salvador, na kasama niya sa ongoing ABS-CBN teleserye na "The Killer Bride."

"Happy birthday papi!" naman ang bungad sa kanya ng direktor na si Antoinette Jadaone, na napabalitang hahawak naman sa panibagong teleserye nina James Reid at Momoland K-Pop star na si Nancy McDonie.

Pero maliban sa mga nabanggit sa taas at sa mga kasama sa industriya na sina Bianca Gonzales at Iza Calzado, isang pamilyar na bubuyog naman ang bumati sa kanyang Insta.

"Jolly Birthday ulit, @garciajoshuae! Thank you for spending it with your Jollibee fam," wika ng opisyal na account ng Jollibee sa comments section. 

Bago sumikat sa kanyang talento sa pag-arte, unang nakilala si Garcia bilang isa sa mga teen housemates ng "Pinoy Big Brother: All In" taong 2014.

Hindi man pinalad magwagi matapos ma-evict sa "bahay ni kuya," sunud-sunod naman ang proyekto niya sa telebisyon simula 2015.

vuukle comment

CHILDREN'S PARTY

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with