^

PSN Showbiz

Richard at Sarah naghahanda na sa Wedding of the Year

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard at Sarah naghahanda na sa Wedding of the Year
Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Naudlot ng 2 years

Finally, tuloy na tuloy na ang naudlot na kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Yup, nangangamoy wedding of the year nga ang nasabing kasalan na magaganap sa March 2020.

Wala pang listahan ang buong entourage pero almost 50% na sila sa kanilang preparation.

Sa ASAP sila unang nagkaroon ng announcement at sinundan ng press interview kahapon. ““We are happy to announce that we are finally getting married on March 2020 here in Manila. And we are looking forward to that date,” sabi ni Richard kahapon.

Almost two years naudlot ang nasabing kasalan dahil ayon kay Richard nagkaroon na siya ng teleserye nung time na akala nila handa na sila at nung ok na siya, nabuntis naman si Sarah sa second baby nila na si Kai.

“Medyo na-delay nga po kasi we were supposed to get married earlier pero nagkaroon ako ng La Luna Sangre. After La Luna, nabuntis si Sarah so na-delay uli,” paliwanag ng actor kahapon.

Year 2017 nang mag-propose si Richard kay Sarah sa Switzerland na napanood pa noon sa kanilang reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Excited na sila Richard and Sarah na tawaging ‘my husband’  and ‘my wife’ ang isa’t isa.

Si Richard ang first serious boyfriend ni Sarah na aminado ang actor na nang makita niya noon sa GMA 7 ay naramdaman na agad niya na may kakaiba ito sa lahat. “Yung parang intuition ba ‘yun,” sabi ni Richard.

Pero ganun din naman si Sarah. Nang makilala niya ang actor kahit naka-focused siya noon sa trabaho at kakasimula pa lang ng career, naramdaman niya na ito na nga.

Almost seven years na ang kanilang relasyon with two kids (Zion and Kai) na parehong may participation sa kanilang kasal.
Dito lang sa bansa magaganap ang kasalan. Naisip daw nilang mag-destination wedding sa Switzerland, pero masyadong marami silang kapamilya at kaibigan na imbitado at mahihirapan silang ilipad ang mga ito sa bansa kung saan pinanganak si Sarah.

Mapapanood sa iba’t ibang shows at social media platforms ng ABS-CBN ang updates sa kasalang Richard and Sarah.

Marami nang naka-line up na bachelorette party si Sarah sa abroad pero si Richard ay nahihirapan pang isingit dahil nag-umpisa na sila ng taping ng teleserye at pelikula nila ni Bea Alonzo.

At ‘yun ang kino-consider ni Richard na challenge sa paghahanda sa kanilang kasal sa 2020. “The amount of things that we need to organize and to make sure everything is on point. Also the schedules. Si Sarah has trips na with her friends pero we have naman people helping us out,” sabi ni Richard.

Stable na ang relationship nila at ito na ang ‘God’s perfect time’ for them ayon kay Sarah.

Ayon pa kay Richard, ‘we’re tested’ kaya talagang hinihintay nila ang kasalang itong. Aminado rin itong si Sarah lang ang minahal niya nang ganun. “Si Sarah naiiba sa lahat. Siya lang ang minahal ko nang ganito. Siya lang ang nagpasaya sa akin ng ganito.” Common knowledge na maraming naging ex sa showbiz si Richard.

Though aminado silang walang perfect na relationship pero ayon kay Sarah “it’s about respect, communication and love, ‘yung totoong pagmamahal sa isa’t isa,” paliwanag ng actress / social media influencer.

At ang payo niya sa mga batang couple na tulad niya na madalas din sabihin ng mga mag-asawa na matagal nagsasama, “pag-usapan agad pag may problema at ‘wag matutulog na may galit sa isa’t isa” ayon kay Sarah.

Nasa presscon kahapon si tita Annabelle Rama pero ayaw niyang mag-comment sa nalalapit na kasal ng anak at ni Sarah.

“We wanna thank our mom. Very hands on talaga siya. Good intentions naman siya when it comes to the wedding,” banggit ni Richard.

Nagpapasalamat din siya sa magiging misis na supportive ito sa lahat ng mga ginagawa niya.

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with