^

PSN Showbiz

Julia babalik na sa showbiz

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julia babalik na sa showbiz
Julia Montes

Kinumpirma na mismo ni Kuya Boy Abunda sa kanyang Tonight with Boy Abunda na malapit nang bumalik ng bansa si Julia Montes.

Mukhang malapit na nga.

Narinig naming inaayos na ang teleseryeng pagbibidahan niya.

Abangan na lang natin.

Resulta ng sunog ng Star City, pinangunahan?!

Umapela ang pamunuan ng Star City at Manila Broadcasting Company sa Bureau of Fire Protection na sana ay ma­ging maingat sa paglalabas ng mga pahayag kaugnay ng nangyaring sunog sa Star City na kung saan nadamay pa ang MBC building.

Nagsalita kasi sa media ang Pasay City Fire Marshal Supt. Paul Pili na posibleng arson ang nangyaring sunog na nangyari sa Star City nung nakaraang linggo.

Kaya posibleng ipapatawag daw ang pamunuan ng Star City para maimbestigahan.

May sinasabi pang may nakitang gasolina sa isang ride na hindi raw dapat nandoon.

Pero pahayag naman ng Vice President for Legal ng MBC na si Atty. Reji Jularbal, masyado pang ‘premature’ na sabihing sinadya ang sunog dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Nilinaw pa ni Atty. Jularbal na hindi lahat ng rides sa Star City ay ginagamitan ng kur­yente. Ang bumper boat ay gasoline ang nagpapaandar dito, kaya normal lang naman siguro kung may makita silang gasoline sa naturang lugar.

Ang alam naman ng lahat na kapag Christmas season, napakalakas ng Star City.

Ito ang panahong malaki talaga ang kinikita ng Star City. Kaya napaka-wrong timing nga naman na itataon pa nila sa mga panahong malaki ang kinikita ng naturang amusement park.

Maselan ang isyung ito para maglabas agad ng konklusyon.

Kaya nagulat na lang ang mga taga-Star City at MBC na kaagad-agad nagpatawag ng presscon at humarap itong si Supt. Pili para sabihin ang mga alegasyon niya gayung hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Inuna pa niyang magsalita sa media, bago sa mismong mga taga-Star City.

Sana hindi muna nagbida-bida.

Arra ‘di muna priority ang BF na basketbolista

Ngayong araw na magsisimula ang bagong afternoon drama ng GMA 7, ang Madrasta na mapapanood pagkatapos ng Prima Donnas.

Mahuhusgahan na rin kung kaya na ni Arra San Agustin magbida, pagkatapos siyang i-partner kay Ken Chan sa My Special Tatay.

Hindi nga lang napansin doon ang tandem nila kundi naging BoBrey na sina Ken at Rita Daniela.

Pagkatapos nga ng Special Tatay, umepek sina Ken at Rita kaya kasama na sila sa The Clash bilang Journey host at itong kasisimula lang na One of The Baes.

Kaya sinasabi ng iba na tila napag-iwanan na tuloy si Arra, at hindi naman isyu ito sa kanya.

“Okay lang naman po kasi nung time na yun alam ko naman po na siguro kahit na alam na nag-i-exert ako ng effort, baka hindi pa talaga. Baka hindi pa talaga enough yung ginagawa ko nung time na yun. Okay lang kasi ano naman po, gradual naman po talaga yung progression.

“Iniintindi ko naman po na nagsisimula pa lang po ako nun, at kailangan ko po ng mas matibay na foundation. At nung time ko po yun, yun siguro ang binigay na challenge ni God na kailangan mong malaman kung gusto mo ba talaga tong gagawin mo,” pahayag ni Arra.

Ngayong nabigyan na siya ng magandang project ng GMA 7, dito na siya naka-focus at puwede naman daw isantabi ang lovelife.

Hindi naman itinatanggi ni Arra na committed siya ngayon sa basketbolistang si Juami Tiongson ng Columbian Dyip pero nagkakaintindihan daw sila pagdating sa kanilang career.

“Alam naman po namin kung saan idi-divide yung sarili kung saan dapat…kung work, work lang. Kung personal, kaya naman pong i-separate yung personal life sa trabaho,” pakli ni Arra.

Kasama ni Arra dito sina Juancho Trivino na very much committed naman kay Joyce Pring at Thea Tolentino na nakipagbalikan naman kay Mikoy Morales.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with