^

PSN Showbiz

Gloria diva na diva sa Netflix series

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gloria diva na diva sa Netflix series
Gloria Diaz

Inilibot ni Gloria Diaz ang followers niya sa Instagram (IG) sa set ng Netflix series na Insatiable at iba talaga ang foreign shows from the locations, cameras at food for the staff, crew and cast. Sa rami ng food, parang may party at pipili ka na lang kung ano ang gusto mo.

Ipinakita rin ni Gloria ang trailer niya with her name on the door at ang wardrobe na gagamitin sa guesting niya sa nasabing series sa Netflix. Gloria Reyes ang pangalan niya at naging Miss Philippines.

Sabi ni Gloria, sinabihan siya to act like a diva na kanya namang ginagawa. Kaya pala ganu’n ang kilos niya sa teaser na kanya ring ipinalabas. Nabanggit din nitong wala siyang naramdamang pressure dahil everybody sa set ay nice sa kanya.

Sa pag-i-introduced ni Gloria sa kanyang labas sa Insatiable, sinabing guest siya, kaya wala na sigurong magtatanong ng participation sa series na mapapanood na sa October 2.

Concert ni Imelda may pa-shuttle

Ang saya sa presscon ng Imelda Papin Queen @45 Concert ni Imelda Papin na ginawa sa Mesa Restaurant na isa sa sponsor ng concert. Sina Eva Eugenio at Sonny Parsons pa lang sa ka-batch ni Mel ang present dahil wala si Claire dela Fuente na isa rin sa guest, pero masaya na ang concert. ‘Katuwa sina Mel at Eva na sumisigaw pa ‘pag may naaalalang nangyari sa kanila noong kasikatan nila.

Nilaglag din ng dalawa si Claire na kaya raw hindi dumating dahil natakot sa kanilang dalawa. 

Wala lang nakapagtanong kung wala bang recent photo ang guests ni Mel lalo na sina Eva, Claire, Victor Wood, Marco Sison at Pilita Corrales dahil old photos nila ang ginamit sa poster. May millennial guest din sa concert gaya nina LA Santos, anak ni Mel na si Maffi at sister na si Aileen Papin.

Sa October 26, sa Phi­lippine Arena ang venue ng concert na sa rami ng guests, magsisimula ng 6pm., para 9pm., tapos na ang concert. Dahil three hours lang ang show, nag-sorry na si Mel na hindi niya makakanta lahat ng pinasikat niyang kanta.

Kakausapin din ni Mel ang administration ng Phil. Arena na mag-provide ng shuttle bus para hindi mahirapan ang audience in going to the venue at pauwi. Pwede ring mag-sing-along ang audience at titiyakin ni Imelda na masaya ang 45th anniversary concert niya.

Mikoy, Alden at Mikee Iba na ang friendship 

Maganda ang description ni Mikoy Morales kay Alden Richards na first time niyang nakasama sa The Gift. “Si Alden ang nagtatayo ng bandila ng GMA-7” at ang sinabing “yung galing ni Alden, hindi lang sa magaling umiyak or ganun...It’s his entirety.”

Magbabarkada sa The Gift ang mga karakter nina Mikoy, Alden at Mikee Quintos at ramdam ng viewers na totoo silang magkakaibigan. Very close rin in real life sina Mikoy at Mikee, pero malabong matupad ang gusto ng viewers na maging sila in real life.

Going strong na uli ang relasyon nina Mikoy at Thea Tolentino at si Mikee, boyfriend na si Andre Guevarra na student ng Xavier. Dumadalaw sa taping ng The Gift  ang BF ni Mikee at friend na rin siya ni Alden.

Bela at Dani BFF na ulit

Friends na uli sina Bela Padilla at Dani Barretto and finally, may picture na si Bela na karga ang anak ni Dani. Pinost ni Bela ang photo nila ni Baby Millie at sabi ni Dani, “so happy you two finally met!! Love you, Bely.”

Natatandaan ng netizens na wala si Bela sa baby shower ni Dani at hindi rin siya bumisita sa hospital nang manganak si Dani. Tapos, nag-unfollowhan pa sila sa IG, kaya naniwala ang followers nilang dalawa na may rift sila, but with this post, friends na uli sila.

Hindi nakakapagtaka kung kunin ni Dani na isa sa mga ninang ni Millie si Bela na nangakong siya ang bibili ng candy kay Millie na hindi papayagan ng parents niya.

Pagiging humble ni Sarah pinuri ni Ara

Kasama ng cast ng Unforgettable si Ara Mina na may appreciation post sa mga nakasama sa movie at kina directors Jun Lana at Perci Intalan.

“It’s my first time to work with Sarah and 2nd movie naman namin ni Meg (Imperial). Happy to work with them ang gaan gaan ng set at well organized, mula

Production, staff and sa directors namin.

“Kay Sarah naman ang masasabi ko lang isa sya sa pinaka humble na artista na nakilala ko. Tahimik sya, hindi pa diva tulad ng iba kahit baguhan pa lang (that’s the reality in our industry) marami rin kasi akong na witness na nagbago nung sumikat na or kahit matagal ng artista at nabigyan ng break ulit nagbabago pa rin sila. Pero ikaw Sarah may karapatan kang maging diva pero hindi. Maraming salamat for being nice, kind, professional and down to earth. Isa kang totoong tao. Saludo ako sayo! Kaya ka blessed.”

Showing sa October 23 ang Unforgettable na ang kasama ni Sarah ay ang asong si Milo. Co-produced ang movie ng Viva Films at The Idea First Company.

 

vuukle comment

GLORIA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with