^

PSN Showbiz

Nadine ayaw ng ibang ka-loveteam?!James umayaw din sa NaReid!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Nadine ayaw ng ibang ka-loveteam?!James umayaw din sa NaReid!
JaDine

Hindi na-appreciate ni James Reid ang reaction ng fans na babu na sa JaDine at hello na sa NaReid matapos nga ang announcement ng magtatambal sila James and Korean pop group member Nancy sa teleseryeng Soulmate. “I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names I’ve already got one #jadine,” reaction ng actor sa kanyang Twitter account kahapon.

Til I Met You pa ang last project ng JaDine sa ABS-CBN at after that ay nagkanya-kanya sila ng trabaho although inaamin naman nila dati na nakatira na sila in the same house.

Si Nadine ay nakagawa ng dalawang pelikula without James, ang Ulan and Indak na sadly ay hindi masyadong box office. Si James naman ay naging judge sa Idol Philippines.

Anyway, nakausap ng ilang reporter sa Indonesia si Nadine (andun si Nadine para sa isang event) at sa tono raw nito ay ayaw niyang i-pair sa iba kundi kay James lang. Nauna nang lumabas na diumano’y ang plano ay gagawa uli sila ng movie ni James after Ulan and Indak pero hindi raw natuloy kaya masama diumano ang loob nito sa Viva.

Ang kuwento, nagbabalak na rin itong magpa-handle sa management group ni James na nilalapitan naman si Deo Endrinal ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

JADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with