^

PSN Showbiz

Kiano MYX celebrity VJ ngayong Oktubre

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kiano MYX celebrity VJ ngayong Oktubre
Kiara & Gino

Naku siguradong mahihirapang kumalma ang mga KiaNo fans dahil ang dating PBB Otso housemates na sina Kiara Takahashi at Gino Roque ang MYX celebrity VJs ngayong buwan ng Oktubre.

Noong nasa loob pa ng bahay ang dalawa, pinanood ng marami kung paano pinagsikapan ni Gino na masabi kay Kiara ang paghanga niya rito. At kahit hindi siya nakaabot sa big night bilang finalist, sinuportahan niya si Kiara na siyang nanalo bilang second big placer. Ngayong nasa outside world na ang dalawa, dapat abangan ang paghahatid nila ng mga pinakamagagandang kanta sa MYX at kung magkakatuluyan sila.

Pakikiligin naman nina Daniel Seavey, Jack Avery, Jonah Marais, Corbyn Besson, at Zach Herron ng American breakout boyband na Why Don’t We ang kanilang limelights bilang MYX Headliners ngayong buwan.

Samantala, bibida sa MYX Spotlight ang 17-anyos na singer-songwriter na si Syd Hartha, dala ang kanyang kakaibang folk pop na tunog na maririnig sa pinakabago niyang kanta na Ayaw.

Bukod sa mga bagong handog na ito, dapat ding abangan ng mga MYX viewers ang unang season ng American TV show na World of Dance tuwing Sabado (8pm) at Linggo (12mn) simula sa October 12. Host ng reality competition si Jenna Dewan, kasama sina Ne-Yo, Derek Hough at Jennifer Lopez bilang mga judge.

Kaabang-abang din ang mga bagong episode ng MYXed Lives na magpapasilip sa buhay ng iba’t ibang artista. Abangan si Edward Barber sa Oct. 12, si Dani Mortel sa Oct. 19 at ang MNL48 sa October 26.

vuukle comment

KIARA & GINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with