^

PSN Showbiz

Showbiz nagluluksa na naman!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Wala pang isang buwang pumanaw sina direk Mel Chiong­lo at Kuya Isah Red, muling nagluksa ang Philippine showbiz dahil sa halos magkasabay na pagpanaw nina Amalia Fuentes at Tony Mabesa.

Nakasabay pa naming mag-dinner si Sir Tony sa birthday party ni direk Joel Lamangan at medyo mahina pa siya nun dahil masama na pala ang pakiramdam niya.

Nabalitaan na lang namin kamakailan lang na na-hospita­lize siya dahil sa nagka-Pneumonia ito. Pero habang nasa hospital daw  ay nagka-heart attack  ito  at doon na siya bumigay.

Nag-radyo kami sa DZRH nung Biyernes nang dumating sa amin ang balitang pumanaw na siya ng 10:20 nang gabi.

Kinabukasan ay ginising kami ng ipinadalang statement ni Alfonso Martinez na pumanaw na raw ang kanyang lola Amalia Fuentes.

Si Alfonso ang pinakapaboritong apo ni Amalia, at nung huli namin siyang naka­tsikahan sa Eddys Awards nung Hulyo ay sinasabi niyang okay naman daw ang kanyang lola Amalia.

Si Alfonso ang tumanggap nun ng parangal na ibi­nigay ng Eddys para sa lola Amalia niya, na kung saan pinarangalan din si Sir Tony.

Kahapon ay ipinost ni Niño Muhlach ang video na kinakantahan pa ng anak niyang si Alonzo ang lola Amalia niya ng A Million Dreams ng The Greatest Showman.

Si Aga Muhlach naman ay nag-post sa kanyang Instagram account ng heartfelt message niya para sa kanyang Tita Nena.

Bahagi nito: “You started it all for us. You have taught me so much in life. You were an inspiration. You treated me like your son. I’m at a loss for words. GO rest now. I know for sure that you are the happiest right now for you are at peace and most especially, reunited with ate Liezl.

“All my weekends, summer vacations, our trips to Baguio, in Tali, in the States. Lahat na…Huling paalam, tita. Rest in peace.”

Samantala, naalala ko pang sinasabi noon ni direk Joel na dahil sa mga ganitong pangyayari nabibigla na lang tayo meron na namang pumanaw, dapat daw na dalas-dalasan ang pagkikita ng mga malalapit na kaibigan.

“Naku, Diyos ko! Pag ganitong edad na, dapat magkita-kita na tayo! Palagi na tayong nagkikita dapat,” bulalas ni direk Joel nung nakaraang birthday dinner niya na kung saan kaharap pa nun si Sir Tony Mabesa.

Pumanaw si Sir Tony sa edad na 84 at si 79 years old naman si Amalia.

Nakikiramay po kami.

Ruru gandang-ganda kay Jasmine

Ang latest na nabalitaan namin mukhang si Ruru Madrid na raw ang

posibleng makaka-partner ng Asia’s Next Top Model Maureen Wroblewitz.

Hindi pa naman ito final dahil wala pa kaming nakuhang kumpirmasyon mula sa Reality Entertainment na magpu-produce ng launching movie ni Maureen.

Ang problema lang ay ang schedule ni Ruru dahil bago matapos ang buwang ito ay aalis na ang buong team sa New Zealand na kung saan doon kukunan ang kabuuan ng pelikula.

Magsisimula na kasing mag-promote si Ruru ng pelikula niyang Cara X Jagger na ka-partner si Jasmine Curtis Smith.

Ayaw naman ni Ruru na hindi siya makipag-cooperate sa promo ng pelikula na magsu-showing na sa November 6.

Ang Cara X Jagger daw ang isang pelikulang gustung-gusto niyang gawin lalo na’t si Jasmine ang ka-partner niya rito.

“I always wanted to work with Jasmine kasi syempre…Jasmine is very talented, napaka­rami na niyang nagawang pelikulang talagang sobrang solid na kahit ako hindi ko ini-expect na ganun siya kaganda, pero gumagawa siya ng mga ganung klaseng pelikula.

“She’s very passionate din about sa work niya, so sabi ko marami akong matutunan diyan,” puri niya sa kanyang leading lady.

Proud daw siya sa nagawa niya rito sa Cara X Jagger dahil na rin sa tulong ni Jasmine.

Clash panelists hirap mamili

Apat ang napiling clashers kagabi sa The Clash at kukuha uli sila ng apat pang clashers na uupo sa Top of the Clash.

Kaya nasa round one pa rin sila dahil kailangang pupunuin ang 32 seats bago sila umakyat sa round 2.

Kaya lalong kinakabahan ang iba pang natitirang clashers dahil patindi nang patindi ang mga makakalaban nila.

Lalo naman daw nahihirapan ang mga nasa Clash panel na sina AiAi delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha dahil gusto naman nilang makakita ng kakaibang winner sa second season.

 

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with