^

PSN Showbiz

Regine, sensitive ang ginawang pelikula

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Regine, sensitive ang ginawang pelikula

MANILA, Philippines — Uy nagbabalik sa pag-arte ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa pelikulang Yours Truly, Shirley na official entry sa inaabangang 2019 Cinema One Originals film festival.

Iikot ang istorya ng pelikula na idinirek ni Nigel Santos sa isang biyuda na naniniwalang ang isang batang popstar (Rayt Carreon) ay reinkarnasyon ng namatay niyang asawa.

Ayon kay Regine, kaabang-abang ang paraan ng pagtalakay ng pelikula sa isang sensitibong usapin. “Medyo malungkot yung kuwento niya kasi she hasn’t gotten over the death of her husband. So medyo malungkot talaga pero kumbaga this is the other side, the funny side. Kasi how do you deal with mourning di ba? Lalo na ‘pag yung kasama mo buong buhay mo, tapos nawala bigla sa ’yo.”

Sakto ang pagbabalik-pelikula ni Regine sa ika-15 taon ng C1 Originals, pero pag-amin niya, nahirapan siya sa umpisa lalo na’t pitong taon na nang huli siya gumawa ng pelikula. “Kasi alam n’yo naman yun na acting is not my comfort zone, it’s really an effort for me that’s why ‘pag meron akong dapat gawin na bagong pelikula, like ito ang tagal, medyo nagdadalawang-isip ako talaga. But I’m glad I did this, I enjoyed shooting and you know, the whole process,” aniya.

Bukod sa pelikulang pagbibidahan ng Songbird, ang ilan pa sa mga pelikulang kalahok sa taunang film fest ay ang Lucid, Metamorphosis, O, Sila-sila, Tayo Muna Habang Di Pa Tayo, Tia Madre at Utopia.

Fifteen years nang naghahandog ng iba’t ibang pelikula na may nakapupukaw na tema ang Cinema One Originals gaya ng That Thing Called Tadhana, Baka Bukas, Yanggaw, Confessional, Changing Partners, 2 Cool 2 be 4Gotten, Mamu; And a Mother too at iba pa.

Kasabay din ng ika-15 taon ng Cinema One Originals ang ika-100 taon ng selebrasyon ng Philippine Cinema at ang ika-25 anibersayo ng Cinema One.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with