^

PSN Showbiz

Female personality na wagas ang pagka-in love, huli sa CCTV ang pambababae ng karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Magkaroon man siya ng ibang karelasyon at maging maligaya man ang kanyang lovelife ay hinding-hindi na makakalimutan kahit kailan ng isang kilalang female personality kung paano siya pinasakay at kung paano binilog ng isang pamosong male personality ang kanyang ulo at emosyon.

Minahal niya ang male personality, pinaniwala rin siya nito na mahal na mahal siya, pinagkatiwalaan niya ang lalaking personalidad na para bang sila na talaga ang haharap sa altar ng matrimon­yo.

Kuwento ng aming source, “Lahat-lahat, ginawa ng girl para sa boyfriend niya, nagsakripisyo talaga ang girl, ginawa niya ang lahat ng makapagpapasaya sa partner niya.

“Pero nitong mag-break na lang sila nalaman ng girl na habang minamahal niya ang male personality, e, napakarami pala niyang hindi alam. May mga ginagawa palang milagro ang boyfriend niya!

“Kapag umuuwi na pala siya pagkatapos mag-stay sa house ng guy, e, may pumapalit na agad sa kanya sa trono. May ibang babae nang kasama du’n ang BF niya!

“Kiyemeng kakausapin pa siya ng guy, magpapahinga na raw dahil pagod na pagod na siya sa maghapon, pero may iba naman pala siyang tinatrabaho at hindi totoong matutulog na siya!

“Nandu’n na pala ang girl na bagong tinatrabaho ng guy, nagpapakalunod pala sila sa kaligayahan, habang asang-asa naman ang female perso­nality na nananaginip na ang boyfriend niya sa sarap ng pagtulog!

“Nu’ng minsan, e, isang friend niya ang nag-text sa kanya, ‘Hey, you’re still awake? I saw you and ____(pangalan ng kanyang boyfriend) in ____(pangalan ng isang kilalang food chain). Nagutom kayo, ‘no?’

“Hindi na lang niya ‘yun pinalaki, dinedma niya na lang, dahil ang alam nga niya, e, tulog na tulog na ang BF niya! Pero ngayon na lang niya nalaman na ‘yung girl palang bagong pinagkakaabalahan ng male personality ang kasama nu’ng guy sa food chain!

“Nagutom nga sila sa paglipad sa kaligayahan, kaya kumain pa sila sa food chain bago niya ihinatid ang girl! Paano niya ‘yun napatunayan? Ano ang silbi ng CCTV?

“May isang tagahanga ang female personality sa food chain na ‘yun, para matapos na ang kuwento, ipinasilip ng girl kung sino ang kasama ng BF niya nu’ng madaling-araw na ‘yun!

“Pasok sa banga! Huli sila sa akto! Ang girl ngang nagdedenay ang sweet na sweet na kumakain sa food chain! Makapagdedenay pa kaya sila ngayon? Nagsisinungaling ba ang CCTV?” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos na ubos!

Tropa ni Willie sa Wowowin, kumpleto na naman!

Ang nagagawa nga naman ng teknolohiya. Habang nagraradyo kami ni Wendell Alvarez (Cristy Ferminute, 92.3 News FM, Cignal Channel 6, FB Live) nu’ng Lunes nang hapon ay panay-panay ang pagpapadala sa amin ng mga tagahanga ni Willie Revillame ng mga nagaganap sa kanyang programang Wowowin.

Espesyal ang araw na ‘yun dahil sa unang pagkakataon ay mapapanood ang game show sa kanyang bagong studio na hands-on na pinamahalaan ni Willie ang paggawa na umabot nang 70 million ang renovation.

Napakaganda ng opening ng show, nilaro muna ang studio lights, nagsasalimbayan ang liwanag sa buong lugar na para bang inilagay nang lahat du’n ang lahat ng mga ilaw.

Bumaba si Willie, pinalibutan siya ng mga dancers sa kanyang opening number, mataas ang pinanggalingan niyang bahagi ng studio kaya napakagandang panoorin at titigan.

Ibang klase talaga si Willie! Bagong-bago na ang kanyang studio ay marami pang bagong games ang Wowowin. Maraming buhay na naman ng mga kababayan natin ang babaguhin ng show sa dami ng kanilang mga papremyo.

At kasama na uli sa Wowowin si Sugar Mercado na ilang buwan ding nawala, naunang bumalik sa kanya si Donita Nose, kaya kumpleto na naman ang tropa.

Pagdating sa trabaho ay walang makatatalo kay Willie. Mahigpit siyang host, totoo ‘yun, dahil gusto niyang ibigay sa kanyang mga tagasuporta ang lahat ng pinakamaganda at pinakamaayos.

“Sa tindi ng suportang ibinibigay sa show ng mga kababayan natin, they deserve the best. Magandang studio, malalaking papremyo, magandang show, para sa kanila ang lahat ng mga ginagawa namin,” pahayag ni Willie.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with