^

PSN Showbiz

Maine sinapawan sa billing si Carlo

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bakit mas nauna daw ang billing ni Maine Mendoza sa movie nila ni Carlo Aquino? Wala bang manager ang aktor para hindi ito mabastos at mabalewala ang maraming taon na inilagi niya bilang artista at mabigyan ng tratong nararapat sa naabot na ng kanyang karera?

Tsk. Tsk. Tsk.

Mayor Isko punong abala sa That’s reunion

Magkakaro’n ng reunion ang mga miyembro ng That’s Entertainment sa pag-alala at selebrasyon ng birthday ni German “Kuya Germs” Moreno na siyang nagtatag ng programa para sa mga kabataang artista at mga anak ng artista nung panahon niya. Oktubre 4 ang birthday ng Master Showman pero, gagawin ito isang araw makaraan ang birthday niya para mabigyan ng pagkakataon yung mga miyembro na may mga gawain na makadalo sa pagtitipon na ihu-host ng isa nilang dating kasamahan at ngayon ay mayor ng Manila na si Isko Moreno.

Exciting na malaman what is life for all That’s Entertainers after magtapos ng programa. Thanks Carmelites for the invitation.

John Lloyd nakipaggamitan sa sinamahang pelikula

Siyempre, kahit parang guest lang si John Lloyd Cruz sa kanyang comeback movie, sinasamantala ng produksyon ang presence niya to promote the film to the point na aakalain ng manonood na siya ang major star ng film bagaman at napakaikli lamang ng kanyang role at guest lamang siya.

Can’t blame the production dahil wala namang reklamo ang aktor sa klase ng ginagawa nilang promosyon which is to his advantage.

Hindi lamang naman siya ang gamit na gamit ng produksyon, nagagamit din niya ang pelikula para maipabatid sa movie world na totoong nakabalik na siya, at nagtatrabaho na. Give and take lang. Hindi lang naman siya ang give nang give na gaya ng puna ng marami. Nagtake rin naman siya!

Ogie may patutunayan sa MMK

Si Ogie Alcasid ay bibida sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado, October 5.

Kung gusto ng itinuturing na pa­ngunahing drama anthology ng bansa na mapag-usapan ang programa at magkaro’n ng isang malaking promosyon, this is it! Nararapat na samantalahin ito ng ABS-CBN at maging ng host nitong si Charo Santos na mapaiba sila sa mga kalaban nilang programa dahil panay lang ang kanta nito sa TV pero, never umakting.

Sa MMK ay isang magandang venue para patunayan na kaya rin niyang umarte. Ipapakita nito na hindi tsamba lang ang pagkakahirang sa kanyang Best Actor ng Star Awards for Mo­vies para sa Kuya Wes.

Cesar inimbita ng anak sa kanyang debut

At least nagpakita ng paggalang ang isa sa mga anak ni Sunshine Cruz sa amang si Cesar Montano nang imbitahin nito ang ama sa kanyang 18th birthday.

Isang simpleng pagdiriwang lamang ang magsisilbing selebrasyon ng debut ni Angelina Cruz. Sana naman ay pahalagahan ng aktor ang pang-iimbita ng kanyang anak. Pero, kung hindi siya makadalo ay maintindihan na lamang ng debutante na dahil baka umiiwas lamang ito na maintriga. Pero, maraming magagawa ang aktor para mabati ang anak sa birthday nito.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with