^

PSN Showbiz

Louise, nailang sa halikan kay Ella

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Louise, nailang sa halikan kay Ella
Louise Abuel

Bukas ay ipalalabas na sa mga piling sinehan ang Cinemalaya film na Edward na pinagbibidahan nina Louise Abuel at Ella Cruz.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lamang nakahalik ng isang babae ang labinlimang taong gulang na aktor nang dahil sa nasabing proyekto.

Hindi raw maipaliwanag ni Louise kung ano ang kanyang naramdaman nang mahalikan si Ella. “Hindi ko po alam ang feeling. Hindi ko po alam ang naramdaman ko no’ng oras na ‘yon. Wow! Lalaki na ako, matured na ako,” natatawang pahayag ni Louise.

Hindi rin masabi ng dating child star kung na-enjoy niya ang ‘tamis ng unang halik.’ Magkahalong emosyon daw ang naramdaman ni Louise nang kunan ang kissing scenes nila ni Ella. “‘Yon pala ‘yon. Kasi hindi ko po talaga alam kung anong mararamdaman ko kasi halu-halo po. Kasi siyempre iniisip mo na trabaho lang ito. Kailangang gawin para sa art sa pelikula. Ewan, hindi ko po talaga alam ang mararamdaman ko,” pagtatapat ng binatilyo.

Nakaramdam din ng pagkailang si Louise pagkatapos kunan ang kissing scenes para sa nasabing pelikula. “Parang nakakailang lang. Kasi nahiya po ako kay Ate Ella,” pagtatapos niya.

Mika, ayaw makatrabaho si Nash

Mahigit isang taon nang magkasintahan sina Mika dela Cruz at Nash Aguas. Noong una ay hindi pa kaagad ipinaalam sa publiko ng dalawa ang tungkol sa kanilang relas­yon. “Actually last year nag-out na kami sa relationship namin but it was not really a secret. Kumbaga ayaw lang namin na may nangingialam. Kasi siyempre we’re from different networks now. So it doesn’t come easy makita ng mga tao or hindi nila agad naiintindihan. But usually ‘yung fans naman, alam nila ‘yung story namin ever since, dati pa. So they support it and may mga gumagawa din ng fan pages pero ayaw namin mag-work together like showbiz stuff. Ayaw namin, what we have is personal. Ayaw naming masyadong nilalabas. Except sa vlogs, ngayon kasi enjoy siya gawin,” paliwanag ni Mika.

Matatandaan na unang nagkasama at nagkakilala ang magkasintahan sa Goin’ Bulilit kung saan sila nagkatrabaho ng maraming taon. Ayon kay Mika ay mahiyain talaga ang aktor kahit noon pa man. “Usually introvert siya at mahiyain siya sa ibang tao and may wall siya. Hindi siya agad-agad nag-o-open up pero sa mga vlogs ko minsan mukha kaming dalawang girlfriends. Kumbaga sobrang comfortable siya and ‘yung funny side na comfortable side niya sa akin lumalabas actually sa vlogs ko. Even my sister (Angelika dela Cruz), ang tingin sa kanya maldita or masungit but ‘yon ‘yung kagandahan ng vlogging eh. Kumbaga no one will judge you,” pagbabahagi ng dalaga.  (Reports from JCC)

vuukle comment

LOUISE ABUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with