^

PSN Showbiz

Dingdong 50k ang kasabay sa Berlin Marathon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dingdong 50k ang kasabay sa Berlin Marathon!

Kahapon lang nakasagot sa akin si Dingdong Dantes nang nag-viber message ako sa kanya nung Linggo habang tinututukan ko sa live streaming ang 2019 Berlin Marathon na sinalihan niya sa Germany.

Sobrang dami ang sumali na ang sabi sa report, mahigit 50 thousand runners daw kaya punung-puno ang kalye at hindi ko man lang naaninag doon si Dingdong at mga kasamahan niya.

Siyempre, ang tinutukan yung mga nangunguna sa marathon at mga Olympic runners ng Ethiopia na sina Kenenisa Bekele at Birhanu Legese.

Mahigit 42 kilometers ang race na iyun na nakuha ng Ethiopian runners ng dalawang oras ang takbo.

Naiisip ko tuloy baka hindi natapos ni Dingdong ang race.

Kaya nag-viber ako sa kanya para tanungin kung natapos ba niya.

Kahapon lang pala niya nabasa ang message ko, na sinagot naman niyang natapos niya ito.

Ilang oras ang lumipas nag-post na ang manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment sa kanyang IG post ng; “I am proud new achievement! Natapos po ang Berlin Marathon with more than 50 thousand runners all over the world! Iba ka!

“Thank GOD and thank you to all those who prayed. Uwi na sa pamilya. Uwi ka na dito. You made me proud!”

Kahapon ay ipinost na rin ni Dingdong sa kanyang IG account ang beer at ang medal na nakumpleto niya ang buong race.

Ani Dingdong; “More than the finish line medal, I was just really looking forward to having this glass of cold beer with my teammates and friends.”

Juancho pinanindigan ang ‘nakaraan’ nila ni Maine, Arra naiyak sa Madrasta

Kahapon ini-launch sa media ang bagong afternoon drama ng GMA 7 na Madrasta na magsisimula na sa October 7 ng hapon pagkatapos ng Prima Donnas.

Biggest break ito sa Starstruck avenger na si Arra San Agustin dahil siya ang bida rito kasama sina Juancho Trivino at Thea Tolentino.

Medyo emotional nga si Arra nang magbigay siya ng mensahe dahil finally, sa kanya ipinagkatiwala ang bagong drama series na ito ng afternoon prime.

“Sobrang grateful lang po talaga ako na punung-puno po ng pasasalamat yung puso ko ngayon lalo nandito po yung mga taong nagtiwala sa akin,” pakli ni Arra nang nakatsikahan namin pagkatapos ng mediacon.

Doon na rin namin hiningan ng pahayag si Juancho tungkol sa sinasabi ng iba na bakit daw si Arjo Atayde napanindigan na naging sila ni Maine Mendoza, pero siya hindi.

Bago kasi pumasok sa kuwento si Arjo, sila ni Maine ang na-link dahil sa madalas silang nakikita kaya ina-assume ng karamihan na naging silang dalawa.

Pero si Arjo lang ang naglakas-loob na amining ‘exclusively dating’ sila ni Maine. Si Juancho ay laging safe ang sagot na magkaibigan lang daw talaga sila.

Pero sabi ni Juancho; “Pinanindigan ko ang pagiging magkaibigan namin ni Maine.

“Wala naman talagang nabuo eh.

“We’re very closed…eh wala naman eh. What you see is what you get. We spent time together.

“Barkada kami nina Sheena at saka si Maine, although nasagot ko na before na hindi naman talaga totoo. Magkaibigan lang talaga kami.

“Ipinaglaban ko naman ang pagkakaibigan namin.”

Pero ngayon ay hindi na raw sila nagkikita, wala na ring communication dahil pareho naman daw silang busy.

Siyempre, si Arjo na ang madalas na kasama ni Maine, kaya hindi na raw sila gaanong nagkikita.

Si Juancho naman ay pinanindigan ang relasyon nila ngayon ni Joyce Pring.

Natawa na lang siya nang tanungin din namin kung totoong engaged na ba sila ni Joyce.

“Engaged ako sa Madrasta,” safe niyang sagot.

Suportahan naman daw sila sa kanilang career, pero dito raw sa Madrasta, si Joyce daw ang isa sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya para pagbutihin ang trabaho.

Anjo hindi naelya kay Jerome

Dito sa Madrasta ipinakilala bilang bagong Kapuso ang dating Kapamilya na si Anjo Damiles.

Pero doon na namin ipinakuwento sa kanya ang maselang eksenang ginawa nila ni Jerome Ponce sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love na pinagbidahan din nina Tony Labrusca, Jane Oineza, Albie Casiño at Myrtle Sarrosa.

Isang bading ang role ni Jerome at meron silang mainit na intimate scenes na kung saan napasabak sila sa matin­ding halikan.

“Hindi ko rin po alam kung paano namin nagawa yun,” natawang sagot sa amin ni Anjo.

Magkaibigan naman daw sila ni Jerome kaya kumportable naman silang dalawa, pero ibang eksena raw iyun na never pa nila nagawa, kaya ilang takes daw iyun bago pumuwede kay direk Jason Paul Laxamana.

Sabi pa ni Anjo; “I never thought na magagawa ko siya. It was very challenging na gawin yung ganung role na ganun ka-extreme. Nag-take kami, tapos may mali. Nag-usap-usap kami, ‘direk ano ang kulang?

“Ganito, kulang ng libog. O sige direk, ibigay natin yan.

“Ang daming takes! It’s not easy. Kasi kung sa babae kaya eh.

“Kasi hindi ko talaga alam kung papano namin gagawin. Hindi talaga namin alam.

“First time rin niya yata ginawa. So, pareho ka­ming beginners sa ganitong aspeto ng trabaho na wala kaming kamuwang-muwang.

“May idea kung paano namin gagawin, but we don’t know how to execute it properly.

“Nahirapan kami maipakita sa tao…na tama ba to?”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with