^

PSN Showbiz

Tony, ayaw pang makipagrelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Tony, ayaw pang makipagrelasyon
Tony

Matagal-tagal na ring panahon na walang kasintahan si Tony Labrusca. Para sa aktor ay mas mahalagang mahalin muna ang kanyang sarili dahil na rin sa hirap na kanyang mga napagdaanan noon. “Know and love yourself first before you love anybody else. And you know, ang hirap kasi sa industriya natin na I don’t think umabot pa ako sa point na mahal na mahal ko talaga ang sarili ko,” makahulugang pahayag ni Tony.

Ayon pa sa aktor ay maaaring hindi rin siya maituturing na ‘boyfriend material’ kaya hindi pa nakikipagrelasyon. “Unfortunately, hindi po ako ganoon. Baka nga po hindi ako boyfriend material. But that doesn’t stop my personality. I don’t think it’s worth using myself just to make someone else feel alone,” paliwanag niya.

Wala mang kasintahan ay mapagmahal naman daw si Tony sa kanyang mga kaibigan.

Para sa aktor ay talagang madali siyang makipagkaibigan sa ibang tao.

“I love being friends with people from all walks of life and I love accepting them. In our world, ang napansin ko, everybody wants to be heard but at the same time, napaka-sensitive na natin. 

“Everybody has something to say but when you say that, there’s some people don’t like what you said. Naaapektuhan ako na ang feeling ko masyado nang nagiging evil ang world natin.

“I think social media plays a huge part of that. For me, the hate I see online honestly breaks my heart. Kasi ako bilang open-minded na tao. I just wish that people would be a little bit more understanding because everybody wants to be heard. Everybody wants to be understood but nobody wants to listen,” paglalahad ng aktor.

Ejay, mabibigat ang ginawa sa sandugo

Simula bukas ay mapapanood na ang teleser­yeng Sandugo na pinagbibidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Para kay Ejay ay ito na marahil ang pinakamahirap niyang nagawa sa isang proyekto.
“Ito ‘yung pinaka-challenging. Sobrang challenging talaga ng project na ito para sa akin. So ‘yung ipagkatiwala nila ito sa akin, kailangan mong ibalik sa kanila. Talagang ‘yung mga eksena namin, ang bibigat. Lalo na ‘yung week 2, 3, mas matindi pa ‘yon, ibang klase,” bungad ni Ejay.

Naikukumpara ngayon ang bagong serye sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pagkakaroon pareho ng mga maaaksyong eksena.

Masaya naman si Ejay dahil sa magagandang feedback na kanyang naririnig tungkol sa mga programa nila ni Coco Martin.  

“Nakakataba ng puso na ma-compare kami do’n sa Ang Probinsyano kasi alam n’yo naman ‘yung napakahuhusay ng mga artista do’n at saka dekalidad ‘yung project na ‘yon. Para maikumpara kami sa kanila. Sobrang ganda rin siguro ng show namin at na-appreciate nila ‘yon. ‘Yung Probinsyano, kumbaga ‘yon ‘yung kuya ng mga action-drama series at parang kami ‘yung mga junior. Nagpapasalamat kami na ginawa ‘yung Probinsyano at no’ng ginawa ‘yon, mas nagkaroon ng pagkakataon na makagawa din kami,” paliwanag ng aktor.  (Reports from JCC)

vuukle comment

TONY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with