^

PSN Showbiz

Magpapaka-healthy na rin Angel magiging abala na sa kasal!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Magpapaka-healthy na rin Angel magiging abala na sa kasal!
Angel

Ang tindi ng mga huling eksena ni Angel Locsin sa The General’s Daughter na magtatapos na sa October 4.

Sa latest post niya sa Instagram, tinawag siyang badass dahil sa eksenang nakikipagbarilan siya sabay talon sa tubig at lumango’y.

At kitang-kita na walang double ang actress.

Actually, maraming beses nang halos atakihin sa puso ang fans ni Angel dahil nga sa trending action stunts ng actress na magiging abala na sa kasal nila ni Neil Arce.

Kagabi lang, matindi rin ang mga eksena niya.

Nakikipagbarilan siya habang nakakapit sa likod ng isang truck.

Anyway, obvious na walang urungan na ang kasal nila ng movie producer na balitang destination wedding din pero wala pang complete details.

Aside from wedding preparation, sinabi ni Angel na magiging priority na rin niya ang health niya.

Maalalang nung 2015 ay na-damaged ang spine niya na naging rason din ng pag-back out niya sa Darna.

Pero ngayon ay aayusin na niya raw ang health niya na malamang naapektuhan uli dahil nga sa rami ng mga matitinding eksena niya sa TGD.

“Ayusin ko muna ‘yung health ko ulit. Ang dami nang binagsak ko, magpapagaling po ulit ako and ayusin ko po ang kasal ko. I think ‘yun po ‘yung mas malaking challenge, mas mahirap na challenge po na papasukin ko. And good luck na lang sa akin,” sabi ni Angel sa grand finale presscon ng TGD the other night.

 So after nito, pahinga raw muna siya at may mga aayusin din siyang personal at saka babalik sa trabaho.

Meron pa rin daw siyang movie contract with Star Cinema pero ayaw pa niyang pag-usapan.

Simula nang mapanood ang The General’s Daughter last January, mahigpit ang kapit ng mga manonood sa serye na nagdulot ng araw-araw na panalo nito sa nationwide ratings, pag-ulan ng mga papuri para sa all-star cast nito, at mainit na usap-usapan sa social media.

Tutukan ang huling linggo ng TGD sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).  

 

 

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with