Derek at Andrea ‘di na nagtatago!
SEEN: Ngayon ang huling gabi ng The Better Woman na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Noong Miyerkules ang last taping day nila pero inabot ito ng Huwebes nang madaling-araw. Mula sa last taping, dumiretso sina Derek at Andrea sa NAIA para sa kanilang early morning flight sa Dubai. May basketball game sa Dubai ang team ni Derek at sinamahan siya ni Andrea.
SCENE: “Ano ‘yung tulog?” ang pabiro na tanong ni Derek Ramsay na madalas na kulang sa tulog dahil sa trabaho.
SEEN: “We’re more than friends,” ang sagot ni Derek Ramsay nang tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Andrea Torres. Hindi na itinatago ng dalawa ang kanilang boyfriend at girlfriend relationship.Bakas sa mukha ni Andrea ang sobrang kaligayahan sa relasyon nila ni Derek. Single si Andrea sa loob ng tatlong taon.
SCENE: Hindi lamang sina Derek Ramsay at Andrea Torres ang may malakas na koneksyon sa isa’t isa dahil magkasundong-magkasundo rin ang kanilang mga magulang na ilang beses nang nagtagpo para mag-dinner.
SEEN: “Hindi siya high maintenance,” ang sabi ni Andrea Torres tungkol sa isang special quality ni Derek Ramsay na nagustuhan niya pero hindi alam ng publiko. “Babe at baby” ang term of endearment nila. Sa tuwing nagiging playful si Derek, tinatawag niyang Chin-Chin si Andrea dahil ayon sa kanyang girlfriend, mahaba raw ang baba nito. Gustung-gusto si Andrea ng mga magulang ni Derek. Sinabi ng nanay ni Derek na “may breeding na babae” si Andrea.
- Latest