^

PSN Showbiz

Pero ‘wag na raw palakihin Ken at Rita kinumpirma ang pagmamaldita ni Alex

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pero �wag na raw palakihin Ken at Rita kinumpirma ang pagmamaldita ni Alex

Tinapos na nina Ken Chan at Rita Daniela ang isyung inisnab diumano sila ni Alex Gonzaga nang magkita sila sa airport sa Davao.

Kaagad na ito ang itinanong sa kanila sa mediacon ng bagong rom-com series nilang One of the Baes, pero nakiusap na silang dalawa na sana huwag na raw palakihin dahil para sa kanila, wala naman daw iyun.

So ibig sabihin, totoong naisnab sila ni Alex, pero ayaw nang palakihin pa ito ng dalawa.

“Unang-una po, sana hindi naman dapat gawing isyu kasi wala naman din po yun para sa amin ni Ken. Sana huwag na lang po natin palakihin pa,” saad ni Rita.

Sabi pa niya; “Tapos na po yun, okay na po kami ni Alex. Nakapag-usap na po kami, yun po ang pinaka-importante. So, wala naman pong ano…mas dapat na parang i-OA pa.

“Okay na po. All is well. Kung ano man po yung nangyari nung gabi na yun, naintindihan po namin ni Ken, kasi kami po bilang artista…maaari nung panahon na yun ay baka may pinagdadaanan lang siya o pagod siya, at naintindihan po namin yun at naintindihan po namin yun kasi kami po ay nangyayari din sa amin yun.

“Honestly po, sa amin talaga, hindi po yan talaga big deal sa amin. Sana po, huwag na po natin palakihin pa.”

Nagsisimula nang mag-promote sina Ken at Rita ng kanilang One of the Baes dahil magsisimula na ito sa September 30 sa GMA primetime pagkatapos ng The Gift.

Ayaw naman daw nilang gamitin pa ang isyung ito sa promo ng bago nilang serye.

Mas marami pa raw dapat na pag-usapan dito sa One of Baes, at excited sila lalo na’t first time pa lang nila nakasama ang karamihang stars dito gaya nina Amy Austria, Roderick Paulate, Edgar Allan Guzman, Joyce Ching at marami pa.

Pelikula ni Kyline may konek sa bullying

Matinding kaba naman ang naramdaman ni Kyline Alcantara dahil sa October 9 na ang showing ng launching movie niyang Black Lipstick na dinirek ni Julius Ruslin Alfonso at prinodyus ng Obra Cinema.

Hindi naman daw maiwasang ma-tense kapag papalapit na ang showing dahil dito na nga siya huhusgahan. Pero kampante naman daw siya sa pelikulang ito dahil maganda raw ang kinalabasan kasama ang iba pang millennial stars na sina Migo Adecer, Manolo Pedrosa, at may kasama pa si Snooky Serna.

Ibang-iba na ito sa Blusang Itim dahil pang-millennials na kahit ibinase sa kuwento ng Blusang Itim ni Snooky.

Isa raw sa na-tackle sa pelikulang ito ay ang bullying na madalas na nangyayari sa mga millennials.

Hindi rin ipinagkaila ni Kyline na naranasan ‘di niyang ma-bully, lalo na nung nagsisimula pa lang siyang mag-artista.

Hindi lang daw sa mga kaedaran niya kundi pati raw sa ilang nanay ng mga batang nakakasabay niyang rumaraket.

Ngayon ay masaya siya dahil nagkabalikan din ang Mommy at Daddy niya kahit medyo mahirap pa raw ang adjustment dahil mahigit 10 years din daw na hindi nila nakasama ang kanilang ama.

Napapanood daw  siya nung nagsisimula na siyang mag-artista, at bago mag-Kambal Karibal, nakipagbalikan na raw ang kanyang ama na tinanggap naman daw ng Mommy niya kaya nakabalik na raw sa kanilang bahay kaya happy family na sila.“Sa kanila ko rin na-realize yung true love kumbaga,” pakli ni Kyline.

Tekla nakampante sa Kiko…

Medyo nakampante na raw si Super Tekla nung premiere night ng pelikula niyang Kiko en Lala na showing na ngayon sa mga sinehan.

Doon pa lang kasi sa premiere night ay tawa na nang tawa ang mga tao, kaya doon na raw niya naramdamang posibleng magustuhan ito ng mga manonood.

Napanood ko rin yung pelikula at ang daming eksenang nakakatawa na feeling ko mga adlib iyun ni Super Tekla.

Inamin naman ng Kapuso comedian na may inputs siya sa pelikulang ito, at okay naman daw kay direk Adolf Alix. “Sabi ko nga nagsi-share kami ng ideas ni direk Adolf Alix, at mabuti sinusuportahan naman niya,” sabi ni Super Tekla.

Sayang lang dahil hindi pala siya nakapag-promote sa Wowowin ni Willie Revillame.

Nagkaroon daw kasi ng renovation sa studio, kaya nakapag-bangko na pala sila ng maraming episodes. Hindi na umabot sa playdate ng pelikula niya.

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with