^

PSN Showbiz

Bong idedemanda ang mga basher!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bong idedemanda ang mga basher!

Palaban na si Sen. Bong Revilla sa mga basher.

Lahat daw ng mga nakikita nilang nagba-bash at inaakusahan siyang magnanakaw ay ikukunsulta na nila sa mga lawyer na kung kailangang kasuhan ay gagawin nila.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Bong sa exclusive interview ng no. 1 digital talk show na Take It... Per Minute (Me Ganun) nina Nay Lolit Solis, Cristy Fermin and Mr. Fu (na hindi nakarating kahapon).

Ayon kay Sen. Bong, tapos na ang pagiging ‘mabait’ niya sa basher na patuloy na nagkakalat ng fake news kahit inabsuwelto na siya ng korte sa kasong plunder.

Naging mailap sa interview si Sen. Bong, puro pahapyaw ang sinasabi niya.

Pero kahapon ay nag-open siya kina Nay Lolit at Nay Cristy.

Ano ba ang sinasabi nilang pera na pinasosoli sa kanya, tanong nina Nay Lolit and Nay Cristy? “Sinabi ng Ombudsman na isoli ko ang pera. Pero naglabas ulit ng desisyon ang Sandigan na wala akong kasalanan. Wala silang napatunayan na may ninakaw na kahit na singko si Bong Revilla. Kaya anong isosoling pera. Ano ang isosoli ko. Very wrong. Sa korte ho pag napatunayan na may pumasok sa account ko kahit singko lang, o milyon yan, hindi maabsuwelto. Lahat ho yan walang napatunayan, nasagot ko sa korte,” buwelta ng actor/pulitiko.

Aminado rin siyang may takot siya nang kumandidato uling senador.

“Yung pagtakbo ko sa senado, puwede akong natalo. Sa pagkakapanalo may ibig sabihin ito. Kung anuman ang misyon ko, gagawin ko,” sabi pa niya.

Kasama rin sa pinag-usapan kahapon ang tungkol sa Eddie Garcia Bill.

Sa Senado, kasama siya sa mga nagi-sponsor nito. Nakapaloob sa nasabing bill ang magiging protection sa movie and TV workers.

At sa kanyang pagbalik pala sa Senate, nakapag-file na siya ng 100 bills sa 18th Congress.

Anyway, kahapon nang abutan namin siya sa kanyang office sa Senate, andun ang apo niyang four-month old na si Mikael, third child ng anak niyang si Inah na nag-aaral ng abogasya sa Ateneo de Davao. Nagpa-practicum daw kasi ang anak sa Senate kaya ito nasa Manila ngayon. Husband ni Inah ang businessman na si Vince del Rosario.

Dumating din si Jolo kahapon habang on-going ang interview nina Nay Lolit at Nay Cristy. Kaya pinaupo namin siya sandali.

Handa na si Jolo sa kasal niya sa girlfriend na si Angelica Alita sa America sa December.

Siyempre very vocal si Nay Lolit na mas gusto niya for Jolo si Jodi Sta. Maria kahit na nga malabo nang mangyari pa. “Sabi n’yo kung saan ako masaya, doon ako,” buwelta ni Jolo.

Si Nay Cristy naman ay sinubukang tanungin si Jolo ng details ng kasalan pero ayaw pa nitong magbigay, si Ange­lica na raw ang bahalang magkuwento.

Anyway, today ang birthday ni Sen. Bong na first time niya uling ice-celebrate sa labas ng Camp Crame Custodial Center.

Five years din siyang nag-birthday sa Custodial Center.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng live ng episode ng Take it... Per Minute kahapon, i-like, share and follow lang ang Pilipino Star NGAYON Facebook page.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with