^

PSN Showbiz

Sharon pina-chop chop ang buhok

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa mediacon ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez ang last event ni Sharon Cuneta na mahaba ang hair niya dahil ngayon, short hair na si Sharon.

Pinost nito ang photo na maiksi ang buhok niya at ang caption, “It was time for my very stressed-out and almost damaged long hair of many years to rest. So I had a haircut tonight. Chopped it all off! I missed my short hair so much.”

Positive ang feedback kay Sharon at sa kanyang short hair gaya nina Judy Ann Santos, Lani Mi­salucha, Christine Babao, Ryan Agoncillo, Vina Morales, Joross Gamboa at Aga Muhlach. May nag-comment pang naging lalong kamukha niya si Ara Mina sa maiksi niyang buhok.

Also, hindi lang umiksi ang buhok ni Sharon, pumayat na talaga siya mula nang manggaling sila sa New York.

KC bina-bash sa paggamit ng marijuana oil

Naging controversial ang post ni KC Concepcion na guma­gamit siya at new fave niya ang CBD balm at naniniwala siya sa medicinal powers nito. Marami ang nag-react dahil ang CBD pala ayon sa nabasa naming comments ay extract oil from cannabis o marijuana.

May agad nag-akusa kay KC na ina-advertise niya ang CBD at sinabihan pa siyang kailangan niyang ipaliwanag ng mabuti kung ano ito “because you may hurt someone.” Agad namang kinontra ang nag-comment dahil wala nga namang sinabi si KC kundi, gumagamit lang siya ng CBD oil for massage.

‘Yun naman pala, marami na ang gumagamit ng CBD products sa Amerika at baka nga marami na rin ang mga Pinoy na gumagamit nito, si KC lang ang unang umamin.

Si KC ang isa sa celebrity na kahit walang ginagawa ang daming haters at bashers. Ang maganda lang, marunong siyang sumagot sa mga pamba-bash sa kanya at laging may pambara.

Thia hindi binibenta sa ginawang pelikula

Hindi lang pala The Gift meron si Thia Tomalla dahil nasa cast din siya ng Regal Entertainment movie na Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Wala sa poster si Thia, pero kasama siya sa publicity photos na inilabas ng Regal Entertainment.

Kundi kami nagkakamali, first movie ito ni Thia sa Regal kung saan, pumirma siya ng movie contract kasama ang iba pang beauty queen. Sa direction ni Jason Paul Laxamana, showing sa October 2, ang pelikula.

Lovi naisingit ang pag-aaral ng akting

Nag-cameo si Lovi Poe sa Beautiful Justice as herself, ang artistang si Lovi na dumalo sa isang auction. Pero bago ‘yun, nag-guest na rin sa Tadhana ang aktres, ang hinihintay ngayon ng kanyang fans ay kung kailan siya mapapanood ng regular sa GMA 7 dahil five months din siyang nasa Amerika.

Updated ang fans ni Lovi habang nasa Amerika siya dahil regular ang pagpo-post niya sa kaganapan sa social media. Akala ng netizens party at socializing ang ganap ng aktres, pero nag-enroll siya ng acting lessons sa iba’t ibang acting coach sa LA, one-on-one acting lesson ang kinuha niya para siguro different acting techniques ang matutunan.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with