^

PSN Showbiz

Kris ‘wag na raw makisali, Sharon pinapasa-diyos na lang ang pelikula nila ni Gabby

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris �wag na raw makisali, Sharon pinapasa-diyos na lang ang pelikula nila ni Gabby
Kris

Pinag-usapan nga kahapon ang duet nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na nangyari sa Grand Gathering ng Gabay Guro na ginanap sa SM MOA Arena nung kamakalawa nang gabi.

Kaya ito ang isa sa mahabang pinag-usapan sa mediacon ng Iconic concert nina Sharon at Regine Velasquez na ginanap sa Luxent Hotel kahapon.

Sabi ni Sharon, nagkaroon daw ng pagkakataong mag-usap sila ni Gabby dahil ipinakiusap daw ng aktor na mag-usap silang dalawa.

So, nagkaayos at bati na nga sila, nagulat din ang Megastar nang pinag-duet na sila ng walang kamata­yang duet piece nilang Come What May.

Tuwang-tuwa ang mga gurong nanood doon at marami pa rin talaga ang kinikilig.

Sa Facebook live ko lang napanood, at totoo namang iba pa rin talaga ang chemistry nilang dalawa.

Pagkatapos nilang kantahin ang Come What May, in-introduce ni Sharon si Gabby at tinawag naman ni Gabby si Sharon ng ‘Sharon Cuneta-Concepcion noon’, at tilian na ang mga tao.

Pero sa naobserbahan ko nang nakita ko sa FB live, at ang ibang kaibigang nag-cover ng event, parang iba na ang tinginan nila na ang dating parang hindi na sila kumportable sa isa’t isa.

“Parang nakakatakot naman kung may nararamdaman pa kami sa isa’t isa,” natatawang sagot ni Sharon.

“Mas importante sa amin yung reaksyon ng tao na nagulat din kami…ako nagulat din na really up to now? 

“Yung kilig, na it was so overwhelming na…the reaction was uy talagang it’s still there the chemistry.

“I think chemistry cannot ever go away. You cannot fake it,” dagdag niyang pahayag.

Si Regine na mismo ang sumundot ng tanong kung posibleng ituloy na nila ang movie project na pagsasamahan nila ni Gabby.

Saad ni Sharon; “Alam mo bahala na ang Diyos dun. We always make plan but it’s really God’s plans ang nasusunod.

“I think I’ve spoken too much about it before, na let’s just hope.

“If you’ll ask me I’m open to it, I have no problem with it. I’m professional actor, and based on last night’s reaction, and the request we’ve been getting on social media, I think it would be nice to work together with him again.”

Si Regine nga ang isa sa excited dahil aminado naman siyang Sharon-Gabby fan siya.

Kahit nga si Kris Aquino ay nagpahayag na willing siyang mag-produce ng pelikulang pagsasamahan nilang dalawa.

“Napakarami na naming magpu-produce. Huwag na maraming sumali.

“Parang ang gulo ng aspect nung production. Parang the last time, parang mas marami mas magulo.

“Maybe, let’s leave it at that,” deretsong sagot ni Sharon.

Sa October 18 at 19 na ang Iconic concert nina Sharon at Regine sa Araneta Coliseum.

Jerome handang akuin ang sex video

Pati si Jerome Ponce at nadawit na rin pala sa sex video scandal.

May kumalat kasi sa ilang blogs kama­kailan lang ng litrato ng hubad na lalaki na kitang-kita ang kabuuan nito pero hindi kita ang mukha.

Kaya nang nakorner namin ang aktor sa mediacon ng pelikula ng Regal na Ang Henerasyong Sumuko sa Love, kaagad naman niyang sinagot ang isyung iyun.

“Pag malaki akin yun..pero pag ano…joke lang,” mabilis na sagot ni Jerome.

Hindi na raw siya nagulat kung nasangkot siya sa ganung isyu.

Marami na nga raw ang nagtanong sa kanya, na naiisip daw niya kung

nagawa raw ba niya iyun, pero wala raw talaga.

“Iniisip ko hawak ko ba phone ko habang sa CR ako? Parang wala. So confident ako. Alam ko sa sarili na hindi ako maganun. 

“Kung meron man..eh di akin na yun. Pinipilit eh, di akin na lang. Hindi talaga eh.

“Hindi ako ganun klaseng tao,” tuluy-tuloy na pahayag ng Kapa­milya actor.

Ipinagkibit-balikat na lang ni Jerome ang isyung iyun. Mas nati-tense pa raw siya kung paano niya ginawa ang mga daring scenes na ginawa niya dito sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with