^

PSN Showbiz

John Lloyd may pa-x sa bahay?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd may pa-x sa bahay?!
Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

May himala kayang mangyayari sa career ni John Lloyd Cruz?

Spotted siya the other night sa special preview ng Himala : The Musical.

Magkasama nga silang nanood ni Bea Alonzo.

Mabilis kumalat ang photos nila kasama ang mga nanood tulad ng talent manager / writer na si Noel Ferrer.

Ganundin ang producer/ director na si Atty. Joji Alonzo. Andun din sina Agot Isidro and Cherrie Gil.

Estudyante ni Sir Ricky Lee sa kanyang weekend scriptwriting class si Bea at obviously ay siya ang nag-imbita sa ka-loveteam na si John Lloyd na diumano’y hiwalay na sa partner na si Ellen Adarna.

Si Sir Ricky Lee ang writer ng critically acclaimed movie na Himala na pinagbidahan noon ni Nora Aunor na ngayon nga ay patok na musical play.

Nauna nang kinumpirma ng isang source na may gagawing pelikula sina John Lloyd at Bea na anytime ay sisimulan na nila. Pero diumano’y next year na ito ipalalabas.

Samantala, may pahiwatig na ‘ekis’ or X sign ang actor sa kanyang IG post kahapon sa animo’y bahay na ginagawa?

Sign daw kaya ito na hindi na matutuloy ang sana’y magiging bahay nila ni Ellen Adarna at ng isang anak nila? Nauna nang napabalita na hiwalay na sila.

Mahilig mag-post si John Lloyd ng mga matalinhagang photos.

Anyway, pulos pahapyaw lang naman ang pinakikita niya so abangan natin kung magkakaroon nga ng himala sa pagbabalik niya sa showbiz.

vuukle comment

BEA ALONZO

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with