^

PSN Showbiz

Lovi ‘di nagshooting ng In Between…

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Lovi �di nagshooting ng In Between�
Lovi Poe

SEEN: Refreshing sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose bilang mga bagong host ng The Clash Season 2 na nagsimula noong Sabado. Nakakapagbiro na rin si Julie Anne sa break up nila ni Benjamin Alves. Sinagot at tinawanan lang niya ang tanong ng The Clash panel member na si AiAi Delas Alas. “Naka-move on” ang nakatawang sagot ni Julie Anne.

SCENE: Unang sumalang at unang casualty sa The Clash si Rowell Quizon, ang apo ng Comedy King na si Dolphy.

SEEN: Nakatakda sa Huwebes, ang cremation sa mga labi ng direktor na si Mel Chionglo na pumanaw noong Sabado, sa edad na 70. Nakaburol ang bangkay ni Chionglo sa Arlington sa Araneta Avenue. Nakaburol naman sa Sta. Rita de Casia Parish Church sa South Lawin, Philam Homes, Quezon City ang mga labi ng former entertainment editor na si Isah Red na nakatakda na i-cremate sa Miyerkules.

SCENE: Ang sinabi ni Isah Red noong nabubuhay pa ito na na-realize niya na hindi na siya magi­ging masaya mula nang pumanaw ang kanyang ina. Ang biglang pagtulo ng luha niya ang isang alaala na hindi namin malilimutan tungkol sa dating entertainment editor na mataray ang image pero malambot ang puso.

SEEN: Hindi pa nagsisimula ang shooting ni Lovi Poe para sa In Between Goodbyes ng Viva Films dahil tatapusin muna niya ang shooting ng The Annulment, ang kanyang pelikula sa Regal Entertainment Inc.

SCENE: Ang Henerasyong Sumuko sa Love ang unang movie project ni Tony Labrusca sa Regal Entertainment Inc. na sa October 2 ang playdate sa mga sinehan.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with