^

PSN Showbiz

Singer-actress at mga kapamilya sabay-sabay nagparetoke ng mukha

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng hindi pa kagandahan ang takbo ng career ng isang singer-actress ay madalas siyang magpunta sa clinic ng isang maga­ling na aesthetic doctor. Marami nang napaganda ang doktor na ito, karamihan ay mga artista, kasali na nga sa bilang ang kilala na ngayong singer-actress.

Maraming binago sa kanyang itsura at katawan, kapag pinagkumpara ang kanyang dating itsura sa ngayon ay napakalaki ng pagbabago, malaking-malaki ang iginanda ng female personality.

Pero may malalim na kuwento ang aming source tungkol sa isang pangyayari, hindi na ang kanyang dating doktor ang pinupuntahan ngayon ng babaeng personality, heto ang kuwento ng aming impormante.

“Walang utang na loob ang female personality na ‘yun! Hindi na siya nahiya, ‘yung dating doktor ang nagpaganda sa kanya, pero iniwan niya!

“May offer siyang tinanggap, ibang clinic at doktor na ang pinasasalamatan niya ngayon sa TV, kasi, meron siyang talent fee! Ayaw niya pala sa basta ex-deal lang, kailangang may involved na datung!” simulang kuwento ng aming source.

Nakakatawa nga ang istorya dahil nu’ng makita na ng kanyang mga kapamilya ang malaking pagbabago sa itsura ng singer-actress ay naengganyo na rin ang mga ito na magpasalamat po, doktor.

Natatawang balik-kuwento ng aming impormante, “Isang hakot na silang nagpupunta sa clinic! Nandu’n na ang sister niya, ang isang tita niya niya at ang mismong mommy niya!

“Ang mga ilong nila, e, nagtangusan na, ibang-iba na ang kanilang itsura, talagang kinarir nila ang pagpapaganda! Halos du’n na nga sila nakatira sa clinic ni doc dahil after ng isang operasyon, e, may bago na naman silang ipinagagawa!” tawa nang tawang kuwento ng ­aming source.

Ang tunay na inis na inis sa singer-actress ay ang taong nagdala sa kanya sa clinic ng magaling na doktor. Inalagaan siya nang husto du’n, walang lumalabas na kahit singkong duling sa kanyang bulsa, kaya masamang-masama ang loob nito sa female personality.

“Nakakaloka, di ba? Iniwan ang doktor na talagang nagpaganda sa kanya nang dahil lang sa talent fee? Hindi na lang siya nagsabi du’n kay dok, puwede rin namang ibigay ang gusto niya.

“Pero ang mommy kasi ng babaeng ‘yun ang de-primerang pakialamera! Asyumerang masyado ang mommy niya! Ang feeling kasi ng mudra ng female perso­nality, e, sikat na sikat na ang anak niya, kaya kailangang bayad ang lahat ng mga ginagawa niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Vice at Ion ‘di na nakapagpigil!

Kinilig ang buong bayan nu’ng Biyernes nang tanghali nang parang mga ikinakasal nang nagpalitan ng “I love you” sa ere sina Vice Ganda at Ion Perez.

Ang kilig ay nahaluan pa ng kakaibang emosyon nang napaluha sina Vice at Ion sa ipinakita nilang pagmamahalan sa harap ng mga camera.

Maraming humanga sa dalawa, pero siyempre’y hindi mawawala ang mga bashers, ang komento ng mga hindi nagkagusto sa kanilang ginawa ay binababoy raw nina Vice at Ion ang kanilang lunchtime show.

Sabi ng isa, “Ano ba naman ang mga baklang ‘yan? Sana, in private na lang sila nagsasabihan ng I love you, huwag na in public! Uwian ng mga eskuwela ang tanghalian, maraming batang nanonood sa show nila, tapos, ganyan ang makikitang ginagawa nila?

“Ilagay naman nila sa tamang lugar ang pagmamahalan nila! Kung ang ibang matatanda nga, e, hindi pa masyadong tanggap ang man-to-man relationship, ang mga bata pa kaya ang makakaintindi sa mga ginagawa nila?” pagpuna ng isang kababayan natin kina Vice at Ion.

May punto naman ang argumento. Maraming batang nakatutok sa It’s Showtime, pampamilya ang pakete ng programa, kaya siguradong may mga magulang ding nag-alala para sa kanilang mga anak nu’ng magpalitan ng I love you sa himapapawid sina Vice at Ion.

Pero sabi nga, ang pagpaparamdam ng pagmamahal ay walang pinipiling panahon, naitatawid ‘yun sa iba-ibang hugis at para­an, kaya hindi na nakapagpigil sina Vice Ganda at Ion sa kanilang nararamdaman.

Mukhang sinsero naman si Ion Perez sa kanyang pagmamahal kay Vice, ikinaliligaya nga nito ang makitang maligayang-maligaya ang TV host, kaya napaluha si Kuya Escort.

vuukle comment

SINGER-ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with