^

PSN Showbiz

Empoy walang takot sa African Swine Fever

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Empoy walang takot sa African Swine Fever

MANILA, Philippines — Kabilang si Empoy sa lalantak sa Celebrity Lechon Boodle Fight na gaganapin sa Saturday afternoon para patunayang safe kumain ng karneng baboy.

Pagsasaluhan sa Boodle Fight ang mga paborito nating Pork dishes tulad ng Lechon, Adobong Baboy, Sisig kasama si Empoy at marami pang iba tulad nina Angeline Quinto, Erik Santos at iba pa.

Ayon sa isa sa mga organizer ng boodle fight, gusto nilang tulu­ngan /suportahan ang mga nag-aalaga / nagnenegosyo ng karneng baboy sa bansa na nabibili natin sa mga palengke para ipaalam sa lahat na ligtas kumain ng karneng baboy at walang dapat ika-worry ang mga misis na namamalengke at naghahanda ng kakainin ng kani-kanilang pamilya.

Almost two weeks nang pinag-uusapan ang pagpasok sa bansa ng diumano’y African Swine Fever pero wala raw dapat ikatakot ang mga Pinoy sa pagkain ng baboy dahil ang mga baboy na ibinebenta sa palengke ay pumasa sa National Meat Inspection Service o NMIS. 

Ang businesswoman na CEO of KPP Powers and Progressive Laboratories na si Pinky Tobiano ang organizer ng Celebrity Lechon Boodle Fight.

vuukle comment

EMPOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with