^

PSN Showbiz

Aktres nabunutan ng kunsumisyon nang bitiwan ang ex group na inalagaan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguro nga ay palihim na napapangiti nga­yon ang isang pamosong female persona­lity dahil hindi siya nagkamali sa kanyang desisyon. Hindi pa man ay binitiwan na niya agad ang pamamahala sa career ng isang grupo.

Walang ibang intensiyon ang babaeng personalidad kundi ang makatulong lang. May talento ang grupo, marami silang tagasubaybay, kaya binigyan niya ng panahon ang pag-ayuda sa karera ng mga kalalakihang miyembro ng grupo.

Pero hindi pa man ay binigyan na agad siya ng mga problema ng kanyang mga alaga. Kapos ang mga ito sa propesyonalismo. May kani-kanyang agenda rin ang mga ito.

Kuwento ng aming source, “Saan ka naman nakakita ng ganu’n? Inalagaan sila as a group dahil nakilala naman silang magkakagrupo talaga, pero magkakaiba ang gusto nilang mangyari!

“Isang piyesa pa nga lang nila ang nagtagumpay, e, napakaaga nang naglakihan ang ulo ng mga lalaking ‘yun! Hindi sila magkakasundo, may mga kumokontra sa mga gusto ng ibang members, nakakaloka sila!

“E, naramdaman ng girl na magiging malaking pasanin lang niya ang grupo, kaya nagpaalam na siya agad bilang manager. Kung professionalism ang pag-uusapan, e, napakayaman du’n ng female personality!

“Kaya nga siya sumikat, e, dahil sa pagmamahal niya sa trabaho niya. Kesehodang nilalagnat siya, dumarating pa rin siya sa set at nagtatrabaho!

“’Yun ang wala sa grupo, kung anu-anong dahilan ang alam nila, wala silang pagmamahal sa work nila!” unang kuwento ng aming impormante.

Heto na. Dahil sa iba-ibang takbo ng utak ng mga miyembro ng grupo, nag-alisan na ang iba nilang miyembro, ex members na lang sila ngayon ng sayang, dahil magaling pa naman sanang grupo.

Patuloy ng aming source, “Hindi nagkamali sa pagdedesisyon ang lola n’yo na bitiwan na ang grupong ‘yun! Anyare sa kanila ngayon?

“Paano magiging successful ang isang grupong hindi nagkakasundo ang mga members? Lahat sila, may kani-kanyang agenda, hindi sila kumikilos as a group! Gusto nilang sumikat agad-agad!

“Ex na sila ngayon sa buhay ng mabait na female personality na abonado pa nga sa grupong ‘yun, hindi man lang siya kumita sa matin­ding hirap na ginawa niya!

“Ay, ay, huwag nilang sabihing nakinabang nang husto sa kanila ang female personality, ha? Kalokohan ‘yun! Malaking kasinungalingan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

P-Noy malalim ang dahilan ng galit kay Kris

Apat na buwan na silang hindi nagkikita-nagkakausap ng kanyang kuya. May matinding gap sa kanilang pagitan. Si Kris Aquino mismo ang naglabas ng impormasyong ito tungkol sa kanila ni P-Noy.

Galit-bati naman talaga ang sitwasyon ng magkapatid. Nu’ng makipagrelasyon si Kris kay Phillip Salvador ay “itinapon” siya ng kanyang kuya dahil pamilyado ang kanyang napiling karelasyunin.

Nang maging magkarelasyon naman sila ni dating Mayor Joey Marquez ay ganu’n din ang senaryo. Tanging ang mga ate ni Kris ang nakaiintindi sa kanya.

Kontra-pelo silang magkapatid. Hindi magkatugma ang takbo ng kanilang isip. Tinanggap na lang ni P-Noy si Kris nu’ng meron nang Joshua na itinuring na nitong parang anak.

Si Joshua at ang da­ting pangulo ang pala­ging magkalaro sa mga paborito nilang games sa computer, kapag may malayuang trabaho si Kris ay iniiwan niya si Josh sa Times Street, tama nang magkalaro ang mag-amain sa maghapon.

Pero ayon sa aming source ay ang pinakahuli nilang hindi pagkakaunawaan ni P-Noy ang pinakamatindi. Malalim ang kuwento. May mga taong nadamay sa sitwasyon.

Hindi kinaya ng dating pangulo ang pinakahuling pangyayari, isandaang porsiyentong kumontra ito sa gustong mangyari ni Kris, alam na alam ng TV host ang ibig naming sabihin.

Hindi tatagal nang apat na buwan ang hindi nila pag-uusap-pagkikita kung simpleng dahilan lang ang ugat ng kanilang problema.

Matindi ‘yun, malalim, sapat na dahilan ‘yun para muling “itapon” ni kuya ang kanilang bunso.

Wala naman sanang aalingasaw na kuwento tungkol sa alitan nilang magkapatid kung hindi nagsalita si Kris.

Hindi na naman kasi niya napigil ang minantikaan niyang dila sa sobrang dulas.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with