^

PSN Showbiz

Panti… naka 61 million na!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Panti� naka 61 million na!

Nakaka-P61-M na ang The Panti Sisters na hindi naman nakapagtataka dahil wala pa akong nakausap na nakapanood ng movie ang hindi mapigil sa pagtawa sa pagkukwento pa lamang ng kanilang panonood nito.

Pinatunayan ng aking daughter-in-law na deserved ni Martin del Rosario ang Best Actor for the film. Napansin niya na napakaganda pala nitong babae. Pati ang acting ni John Arcilla ay nabanggit niya but then, meron bang hindi nakakaalam na magaling si Heneral Luna? Kapag nakaikot pa ng mas matagal sa mga sinehan ang pelikula nina Perci Intalan at Jun Robles Lana ay mas lalaki pa ang kita nito at lalo na siguro pag nakaikot pa sa ibang bansa.

Fans ni Angel hati ang reaksyon sa pag-aasawa

Biglang preno si Angel Locsin sa paghahanda ng kasal nila ni Neil Arce na magaganap sana sa pagtatapos ng serye niyang The General’s Daughter. Sinabihan kasi siya ng wedding planner nila na masyadong mabilis ang ginagawa niyang preparations na na-realize niyang may katotohanan kaya biglang kambyo siya. Naghihinay-hinay na siya ngayon. Hati ang reaksyon ng mga supporter ni Angel sa pag-aasawa niya, may natutuwa dahil nasa edad na siya para lumagay sa tahimik. Meron ding nalulungkot dahil baka kapag may asawa na siya ay mabawasan na ang pagtanggap niya ng roles. Pero, they have to give it to her na maging masaya naman sa kanyang personal na buhay.

Ex B watak-watak na

Kung sa pagiging Ex Battalion ay nahirapang ma-maintain ng rap group ang kasikatan nila lalo na ngayong iniwan na sila ng dating manager nilang si AiAi delas Alas. Ilang mga miyembro nito ang nag-decide nang mag-solo.

Okay kung sikat sila bilang grupo pero, bilang mga soloista ay nagsisimula pa lamang sila at marami ang nayayabangan sa mga nagsosolo dahil ayaw nilang maikumpara sa mga sikat nang sina Gloc 9 at Abra. Mas mapapaboran sila ng pagkukumpara at mas dadali ang recognition sa kanila dahil mga sikat ang ipinagkukumpara sa kanila pero, ayaw nila? Tsk. Tsk. Tsk.

Alden sobrang humble

Nagpapakita ng humility si Alden Richards sa pag-amin na idolo niya si John Lloyd Cruz. Gusto niyang makasama ito sa isang project at gustong maidirek nito kahit isang music video pa lamang ang naididirek nito.

This is a reason kung bakit patuloy ang pagtatagumpay ng Asia’s Multimedia Actor. Swerte ng GMA na maging artist siya. He is currently topbilled sa pinakabago nitong serye, ang The Gift. Role ng isang bulag ang gina­gampanan niya.

vuukle comment

THE PANTI SISTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with