Isabel hiniram sa Miss U na nanay ang Filipiniana
MANILA, Philippines — Vintage gown pala ang suot ni Isabelle Daza sa ABS-CBN Ball 2019 last Saturday night.
Ayon sa post ni Isabel, ang nasabing gown ay sinuot ng kanyang mommy nang mag-korona ito sa Miss India noong 1994.
Ang mommy Gloria Diaz niya ang kauna-unahang Pinay Miss Universe noong 1969. “Wore my mom’s Filipiñana which she used to crown Ms. India in 1994, I feel like sustainable is the new vintage. Made by Peppito Albert #WhoWoreItAfter #abscbnball2019,” kuwento ni Isabelle sa photo niya at ng mommy niya habang kinokoronahan si Miss India noong 1994.
Mas pinili nga lang mag-settle down ni Isabel at ngayon ay meron na silang anak ng mister niyang si Adrien Semblat kesa maging beauty queen.
- Latest