^

PSN Showbiz

GMA stars wagi sa Miss World Ph

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
GMA stars wagi sa Miss World Ph

SEEN: Sina Shayne Sava at Kim de Leon ang Ultimate Female and Male Survivors, respectively ng Starstruck Season 7 sa grand finale night na ginanap sa Studio 7 ng GMA-7 noong Linggo.

SCENE: Hindi na ibebenta ng mga magulang ni Kim de Leon ang bahay nila sa Balayan, Batangas para mabayaran ang kanilang mga utang. Mala­king tulong ang cash prize na napa­nalunan ni Kim para malutas ang problema nila sa pera.

SEEN: Hindi na kailangan ni Shayne Sava na manirahan sa dormitoryo dahil sa tagumpay niya sa Starstruck Season 7. May bahay na sila na matitirhan ng kanyang lola na matiyagang sinamahan siya sa kanyang Starstruck journey.

SEEN: Mga Kapuso star ang nanalo sa Miss World Philippines 2019 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi. Miss World Philippines 2019 winner si Michelle Dee, Miss Multinational Philippines 2019 title-holder ang former child actress na si Isabelle de Leon at Miss Eco International Philippines 2019 si Kelley Day. Sa press presentation pa lang ng mga kandidata ng Miss World Philippines 2019, si Michelle Dee ang hinulaan na mananalo ng korona dahil sa kanyang ganda at talino. Malaking factor din na anak siya ni Miss International 1979 Melanie Marquez.

SEEN: Sinuportahan ni Melanie Marquez ang pagsali ng anak sa Miss World Philippines 2019. Umuwi rin mula sa Amerika si Xuxa para suportahan si Michelle. Sina Xuxa at Michella ang mga anak ni Melanie at ng former actor/movie producer na si Derek Dee.

SCENE: Mga segment host ng Miss World Philippines 2019 sina Winwyn Marquez at Edgar Allan Guzman. Main hosts naman sina Victor Basa at Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann. Si Arnold Vegafria ang National Director ng Miss World Philippines kaya understandable na mga talent niya ang hosts, judges at performers sa coronation night ng Miss World Phi­lippines 2019. Mga contract star din sina Michelle Dee, Isabelle de Leon at Kelley Day ng ALV Talent Circuit, ang talent management agency ni Arnold pero deserving sila sa mga beauty title.

vuukle comment

MISS WORLD PHILIPPINES 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with