^

PSN Showbiz

Nagkaka-edad na aktor, laging may motibo ang pakikipagkaibigan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga kilalang personalidad ay naging sentro ng paksa ang isang nagkakaedad nang male personality. Marami silang tanong, mga tanong na hindi nila maihanap ng sagot, kaya puro ispekulasyon lang ang kanilang nasasabi.

Sa kanyang panahon pala ay kilalang-kilala bilang ipinaglihi sa mangga ang nagkakaedad nang aktor, user siya, manggagamit.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Kapag nakipag-close siya sa isang tao o sa isang grupo, asahan mo nang meron siyang agenda. Hindi mawawala ‘yun!

“Meron siyang personal motive kung bakit siya nakikipag-close. May isang executive ang isang production na kinaibigan niya. As in, madalas niyang tinatawagan at kinukumusta ang lady executive.

“May nagsabi na sa bossing ng production, ‘One day, may ihihirit ‘yan sa iyo. Nakapagtataka naman na ngayon lang niya ginagawa ang ganyan sa iyo!’

“At tama nga! Isang araw, nu’ng tawagan ng male personality ang lady executive, e, humihingi siya ng project. Serye sa network ang gusto niya. Natural, ihinanap naman siya ng magandang project ng kinakaibigan niyang lady executive.

“Sabi nu’ng friend ng ehekutibo, ‘See? Nagkamali ba ako? Kita mo, kinakaibigan ka lang niya dahil kailangan niya ng trabaho!’

“Naputol na lang ang pagtulong ng lady executive du’n sa male persona­lity nu’ng tumanggap din siya ng project sa kabilang istasyon. Ganu’n din ang ginawa niya, kinaibigan din niya ang isang executive ng network.

“Strike everywhere siya, kung saan siya makikinabang, walang loyalty ang lalaking ‘yun!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Bilang tao ay wala ring loyalty ang nagkakaedad nang aktor. Ganu’n din ang kanyang atake, nakikipagkaibigan lang siya para sa mga personal at pailalim niyang motibo, kilalang-kilala na ng marami ang kanyang ugali.

Isang impormante naman sa umpukan ang nagkomento, “Para siyang langgam. Kung saan nandu’n ang asukal, nandu’n din siya. Kung saan siya makikinabang, palagi siyang nakatanghod!

“Nakadikit naman siya ngayon sa mga taong alam niyang magagamit niya for his personal motives, nakikipag-close siya, kasi, nandu’n ang mas malaking bulto ng sugar!

“Kinalimutan na niya ang mga taong pinakinabangan niya nu’n, mas kadikit na niya ngayon ang mga taong malakihan ang pakinabang na makukuha niya.

“Wala talaga siyang loyalty, tumatanda siya nang paurong! Manggagamit!” inis na inis na komento ng aming source.

Ubos!

Angel nagpapakadakila

Nagugulat na lang kami sa mga kuwentong nakararating sa amin tungkol kay Angel Locsin. Maraming nagaganap na kalamidad sa ating ba­yan, nangu­nguna ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtulong sa mga nasalanta, may mga camera na nakatutok sa kanilang pag-ayuda.

Pero ang nakatutuwa ay nakararating sa amin ang impormasyon na nanggaling din pala du’n si Angel Locsin, may mga kasamang kaibigan, nagdala ng mga pagkain at mga kagamitang mapakikinabangan ng mga nasalanta.

At ang mas nakatutuwang kuwento ay nagpupunta siya sa mga lugar na ‘yun nang walang kasamang cameraman, walang kumukuha sa magaganda niyang ginagawa, du’n nakikita ang sinseridad ng tumutulong.

Kuwento ng isang kaibigan naming taga-Marikina, “Nu’ng nag-Ondoy, nagpunta si Angel sa mga schools dito na tinitirahan pansamantala ng mga nasalanta. Mga kaibigan niya ang kasama ni Angel, ang dami-dami nilang dalang mga pagkain, saka mga kumot, unan at iba pang mga kailangan ng mga evacuees.

“Si Angel pala ang nakiusap sa mga kaibigan niya na mamili ng mga ka­gamitang ‘yun, siya ang gumastos, silang magkakaibigan ang nag-repack.

“Napakaganda ng puso niya, hindi siya nagdadala ng mga camera, tumutulong siya nang walang publicity,” papuri kay Angel ng aming kaibigan.

Naalala namin ito dahil sa hindi pagdalo ni Angel sa ABS-CBN Ball 2019. Magalang niyang ipinara­ting sa pamunuan ng network na tutulong na lang siya nang direkta sa Bantay-Bata Foundation.

Ang gagastusin niya sa gown ay ida­dagdag na lang ni Angel Locsin sa donasyong ibibigay niya sa foundation. Napakadakilang puso.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with