^

PSN Showbiz

Bea, Gerald, Julia at Joshua kanya-kanya ng rampa sa ABS-CBN Ball!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea, Gerald, Julia at Joshua kanya-kanya ng rampa sa ABS-CBN Ball!
Bea Alonzo, Julia Barretto

Inabangan at tinutukan ang pagdalo sa ABS-CBN Ball nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, Julia Barretto at pati si Joshua Garcia.

Ilang kaibigan sa media ang nag-cover sa malaking event na iyun ng Kapamilya network na ginanap sa Shangri-La BGC nung isang gabi, pero hanggang red carpet lang sila at bawal na sa loob ng ballroom.

Ilan sa mga napagtanungan na­ming imbitado, nagkaroon daw ng slight na tension nang halos magkasunod na dumating sina Bea at Julia.

Dumaan si Bea sa media at nagpa-interview naman daw pero safe na safe lang ang pinag-usapan.

Ganundin din daw si Gerald na dumating kasama ang co-stars niya sa bago niyang teleseryeng A Soldier’s Heart.

May nakabakod daw na taga-Star Magic kaya sandali lang na nakapanayam ang kontrobersyal na aktor.

Magkahiwalay namang dumating sina Julia at Joshua, pero dumeretso na raw sila sa red carpet na ‘di na dumaan sa media. Kaya hindi na raw napansin ang kanilang pagdating.

Modern Filipiniana ang motif at nagpakitang-gilas ang mga kilalang designers sa mga ginawa nilang suot ng mga star na dumalo.

Base sa natutukan lang namin sa kanilang live streaming, ilan sa gustung-gusto ko ang ayos at suot ay sina Dawn Zulueta, Regine Velasquez, Anne Curtis, Iza Calzado, Julia Barretto, Sarah Lahbati, Jane de Leon at Ylona Garcia.

Sina Bea at Richard Gutierrez naman ang napi­ling Best Dressed ng Metro, pero hindi ko gaano bet si Bea sa ayos niya.

Sina Richard at Sarah Lahbati naman ang couple of the night.

Pero ang gaganda ring tingnan ang mga Kapamilya couples nung gabing iyun.

Nangunguna diyan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sunod sina Enrique Gil at Liza Soberano, sina James Reid at Nadine Lustre at sina Xian Lim at Kim Chiu.

Marami namang stars na dumalo na magaganda ang gown na suot pero hindi nila kayang dalhin.

Pero dito nakikita na napakagaling talaga ng mga Filipino designer at nakikita kung paano nila na-modify o na-restyle ang mga Filipiniana outfit para maiba lang.

Ang proceeds ng kikitain sa ABS-CBN Ball ay mapupunta sa Bantay Bata 163.

Mga Panti may patama sa mga pulitiko

Tuwang-tuwa kami sa pelikulang Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables.

Nakakatawa ang pelikula at may kirot sa puso, dagdag pa ang ilang statements na may patama pa sa ilang pulitiko.

Agree kami sa sinabi ng isang kaibigang sana tipong ganung komedya ang ginagawa ni Vice Ganda.

Kahit sinasabi ng ilang blockbuster naman ang lahat na pelikula ni Vice Ganda, at ‘you cannot argue with success,’ ika nga.

Pero itong Panti Sisters, nakakatawa talaga ang takbo ng kuwento at bagay na bagay ang tatlong bida. Kaya lalong lumalakas sa takilya.

Ayon sa aming source, naka-23M ang second day of showing ng naturang pelikula. Kaya sa loob ng dalawang araw, umabot na ng 36M ang kinita nila.

Kaya nakikita na naming panalo na rito ang mga producer.

Sumunod sa Panti Sisters ang Open nina Arci Muñoz at JC Santos na halos 6M na ang kinita nito. Pumangatlo ang Cuddle Weather na almost 3M din ang kinita sa dalawang araw na showing ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Medyo pumi-pick up naman daw ang I’m Ellenya L at LSS.

Nakakalungkot lang na ang tatlong pelikulang pang Centennial showcase na Circa, Lola Igna at Pagbalik ay mukhang mapaaga na itong mapu-pull out sa mga sinehan.

Kaya sana ito na munang unahin at baka hindi na ito aabot ng isang linggo.

Martin dedma sa bashings ng fans ni Alden

Mamayang gabi na magsisimula ang The Gift ni Alden Richards pagkatapos ng Beautiful Justice, at tutukan namin ito dahil ang ganda ng trailer na ipinakita at maku-curious ka talagang panoorin.

Isa sa naghahanda na sa magiging kapalaran niya sa The Gift ay si Martin del Rosario na all-out ang pagka-kontrabida niya kay Alden.

Sabi nga niya sa nakaraang mediacon nito, dark ang character niya rito na ngayon pa lang daw niya nagagawa, at kay Alden pa.

Kaya ready na raw siya sa bashing kung sakali. Sabi nga niya nung nag-post pa lang daw siya ng picture nila ni Alden na mukhang bad siya roon, may mga nagri-react na raw.

“Pero tingin ko hindi naman po ganun ang mga fans ni Alden.

“Pero mas maa-appreciate ko yung mga magagalit sa akin, kasi siyempre character ko naman yun eh.

“Trabaho ko as artista,” pakli niya.

Pero maapektuhan ba si Martin kung sakaling ma-bash na siya nang bonggang-bongga.

“Ah hindi! Ako pa!” bulalas niya.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with