^

PSN Showbiz

Aktres na naghangad ng mas malaking kita sa nilipatang network, gustong bumalik sa pinagmulan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi naging positibo ang imahe ng isang kilalang female pesonality nang magdesisyon siyang lumundag sa network na kalaban ng istasyong nag-alaga sa kanya.

Sa network na ‘yun siya nagsi­mu­la, maraming ibinigay na programa sa kanya ang istasyon, pero nang lumipat na siya sa kalabang TV station ay maraming kuwentong nakarating sa mga tagapamuno ng network.

Unang kuwento ng isang source, “Masyado kasing taklesa ang babaeng ‘yun, napakadulas ng dila niya, ginagawa niyang biro kahit ang mga seryosong bagay na.

“Marami siyang pintas sa dati niyang home studio, pati sa talent fee, e, nagko-compare siya. Hindi na niya dapat ginagawa ang ganu’n dahil kumita siya nang milyones sa network na ‘yun!

“Bakit ba siya nakilala? Napakalaki ng nagawa sa kanya ng network na nilayasan niya, mabenta siyang mag-perform sa iba-ibang bansa dahil sa exposure niya sa station na ipinagpalit niya sa kalaban,” pahayag ng aming source habang nakataas ang kilay.

Milyones din ang kinita ng taklesang female personality sa mga shows niya sa iba-ibang bansa, bakit kaya siya kukunin ng mga show producers kung hindi naman siya kilala, ang network na pinagserbisyuhan niya ang dahilan ng kanyang tagumpay.

“Kahit ganu’n at ganu’n lang naman palagi ang ginagawa niya sa mga shows abroad, e, napakalaki ng naitulong sa kanya ng network sa totoo lang!

“Hindi siya pinabayaan ng network, todong suporta ang ibinigay sa kanya, kaya bakit pa niya kailangang magreklamo nu’ng nakalipat na siya sa kabila? At may palusot ang hitad, joke lang daw naman ang mga sinasabi niya!

“’Yun ang mahirap sa babaeng ‘yun, masyado siyang madaldal, taklesa siya! Akala ba niya, e, hindi nakararating sa mga executives ng network ang mga nililitanya niya kontra sa pinagmulan niya?

“Ang tanong, mas nagningning ba ang career niya nu’ng lumipat siya? Mas lumaki ba ang talent fee niya? Waley! Kaya tantanan na niya ang kakukuda!

“Nagkakaedad na siya, nand’yan pa rin ang ipinagmamalaki niyang kaseksihan, pero marami ba siyang project sa nilipatan niyang network?

“E, bakit nagbebenta na siya ng mga shoes at bags niya? ‘Yun ba ang sinasabi niyang greener pasture?

“At ngayong nagpapahaging siya na babalik sa network na sumuporta nang todo sa career niya, may pupuwestuhan pa kaya siya du’n?

“Kailangan niyang magpaliwanag, itodo na niya ang palusot, dahil hindi maganda ang ginawa niya!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Maricel at Arjo puring-puring ni Angel!

Ramdam namin ang umaatakeng separation anxiety ngayon kay Angel Locsin dahil sa mga huling sultada ng The General’s Daughter ay hindi na niya makakasama sa taping sina Maricel Soriano at Arjo Atayde.

Iniyakan ng buong bayan ang eksena ng pagpatay ni Tiago (Pip) kina Nanang Sabel at Elai. Mahirap kalimutan ang tagpong ‘yun, pusong-bato na lang ang hindi makikiiyak sa paghagulgol ni Rhian, habang yakap-yakap ang mga bangkay ng mga taong mahal na mahal niya.

Minsan pang pinalutang ni Maricel Soriano ang kanyang mahusay na pagganap. Wala namang kuwestiyon ang pag-ata­keng ginawa ni Arjo Atayde habang naghihingalo.

At nang-iimbita ng pagluha ang sinserong pagganap ni Angel Locsin na walang pakialam kung naghahalu-halo man ang kanyang sipon, luha at pawis sa paghagulgol habang niyayakap-hinahalikan ang bangkay ng mag-ina.

Masakit ang kanilang paghihiwalay dahil sa istorya ng The General’s Daughter ay silang tatlo na ang magkakampi, ang nagmamahalan at nagtatanggol sa bawat isa.

Puro papuri ang inialay ni Angel Locsin kina Maricel Soriano at Arjo, siguradong mami-miss niya ang masasayang araw nila sa taping, ilang buwan lang ang kanilang ipinagsama pero parang maraming taon na ang katumbas ng kanilang pinagsamahan.

Ipinagsigawan ni Angel Locsin sa buong mundo na hindi makukumpleto ang kanyang pagkaartista kung hindi siya nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang Diamond Star.

Sa aming libro ng pag-alala ay wala kaming natatandaang personalidad na sinuob ng ganito katinding papuri ni Angel Locsin.

Napakatotoong tao naman kasi ni Marya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with