^

PSN Showbiz

Claudine, nag-iimpake na para sa shooting with Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Claudine, nag-iimpake na para sa shooting with Piolo
Piolo & Claudine

Malapit nang simulan ang shooting ng pelikulang muling pagtatambalan nina Claudine Barretto at Piolo Pascual.

Matatandaang huling nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Milan noong 2004. Sobrang excited na ng aktres dahil muli silang makagagawa ng isang magandang proyekto ni Piolo. “I love Piolo so much. He is one of my best, best friends here in showbiz,” bungad ni Claudine.

Excited din ang aktres na muling makatrabaho si Cathy Garcia-Molina na kanyang Assistant Director noon sa mga pelikula. Si direk Cathy ang gagawa ngayon ng reunion movie nina Claudine at Piolo. “She has been my A.D. for so many movies and I remember when we were in Milan, I told her, ‘Direk ha, don’t forget kapag magdidirek ka, kami ni Piolo,’ ganyan and she stayed true sa promise niya. I would love to work with her because I know how she is sa set bilang A.D. and bilang director,” nakangiting pahayag ni Claudine.

Nakatakdang kunan sa Europe ang ilang mahahalagang eksena para sa bagong pelikula. Ngayon pa lamang daw ay nag-iimpake na si Claudine para sa magiging biyahe. “I started packing already, so ‘yon. We are leaving for Prague or France, end of October or end of September for my movie with Piolo,” pagtatapos ng aktres.

KathNiel, malapit na uling magsama

Pagkatapos magtagumpay ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay gusto naman daw ng aktres na magkaroon ng ibang kapareha ang kasintahang si Daniel Padilla.

Si Sarah Geronimo ang personal na gusto ni Kathryn na makapareha ng aktor kung mabibigyan ng pagkakataon. “Alam mo madali lang natin sabihin pero lahat tinatrabaho eh. Hindi naman siya basta-basta lang. So ako naman tingnan natin kung sino ang magkatambal,” pahayag ni Daniel.

Samantala, ayon kay Kathryn ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ng KathNiel ang muli nilang pagtatambal ng aktor sa isang proyekto. “Soon, babalik na soon. So ngayon tini-take lang ‘yung konting break and may gagawin si DJ para sa kanya and then balik na tayo. So KathNiels, malapit na, kon­ting intay pa,” pagbabahagi ni Kathryn.

Para sa aktres ay malaki ang nakuha niyang suporta mula kay Daniel na nakatulong sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye. “Ang swerte ko lang dahil merong akong napaka-supportive na boyfriend, supportive na pamilya. Hindi ko magagawa kung hindi niya ako pinayagang gawin ito. So ‘yung ‘oo’ niya malaking bagay sa akin and ngayon nangyayari lahat at lahat ng ‘to sini-share ko kay DJ. Kasi kung anong nangyayari ngayon, ‘yon din ‘yung sa kanya. Success namin ‘to pareho,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

CLAUDINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with