^

PSN Showbiz

Magandang aktres burara sa totoong buhay!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda-gandang tingnan sa malapitan at malayuan ng isang female personality. Walang kuwestiyon ang kagandahan niya, makinis ang kanyang kutis, parang walang mali sa kanyang pisikal na anyo.

Pero maraming kuwento tungkol sa kanya ang mga alalay na ngayon ng ibang mga artista na dating nagseserbisyo sa kanya. Sa panlabas na anyo lang pala siya mapupuri dahil may karumihan siya sa kanyang kapaligiran.

Kuwento ng isang source, “Dugyot ang tawag sa kanya ng mga dati niyang PA. Burara raw kasi ang girl. Kailangan daw palaging may nakasunod sa kanya dahil hindi siya marunong gumamit ng basurahan.

“Imagine, sarili niyang kuwarto, e, hindi siya marunong mag-ingat? Paggising niya, natural na nandu’n na ang isang maid niya para maglinis ng bedroom niya, di ba?

“Naloloka ang maid, kasi, nagkalat ang mga tissue paper sa kuwarto, kung saan-saan nakakalat, samantalang napakalaki naman ng kanyang basurahan!

“Pati ang mga damit niya, sabug-sabog, ang mga sapatos niya, kung saan-saan nakalagay! Ganu’n pala kasi ang girl kapag namimili na siya ng kanyang OOTD!

“Lahat ng mga kagamitan niya, e, nakasabog sa kama niya at sa sahig, samantalang puwede niya namang tawagin ang isang maid niya para tulungan siya sa paghahanap ng gusto niyang isuot!” tawa nang tawang kuwento ng impormante.

Kahit sa kanyang mga pang-make-up ay burara rin ang magandang aktres. Sa termino ng kanyang mga dating PA ay nanggigitata ang mga ‘yun, dahil walang kaingat-ingat ang female personality.

Patuloy ng aming source, “Kuwento naman ng isa pa niyang dating alalay, e, burara siya sa mga personal stuff niya. Palagi siyang nababasagan ng mga powder niya, ng mga pangkolorete niya, dahil masyado siyang pabaya!

“Ang mga damit niyang malinis, saka ang mga nagamit niya, e, magkakasama rin sa isang lalagyan, samantalang may mga dala-dala naman siyang plastic bin kapag may shooting at taping siya.

“Wala kayang tumatagal na PA ang babaeng ‘yun! Ilang buwan lang, e, nagpapaalam na, kasi nga, pagod na pagod sila sa kaburaraan ng girl!

“Opo, totoo po, tunay na tunay po, masyado ngang burara ang babaeng ‘yun na sayang, ang ganda-ganda pa naman!” madiing reaksiyon ng aming source sa kanyang pagtatapos.

Ubos!

Alden ‘di nagbabago ng kakaibang ugali

Puring-puri ng ating mga kababayan ang pagiging edukado ni Alden Richards. Sa dami na ng mga paninirang personal na ipinupukol laban sa kanya ay nananatili siyang cool, nasasaktan man ay hindi na lang siya kumikibo, isang napakalaking senyal ng pagiging edukado niya sa lahat ng pagkakataon.

Isang magandang reaksiyon ang tinanggap namin mula kay SOS, ang kanyang sabi, “Salamat na lang po at hindi pikon si Alden na katulad ng ibang artistang masyadong patol nang patol sa mga bashers.

“Tama lang ‘yun dahil ang dapat lang gawin ng mga taong matagumpay sa buhay, e, just to count their blessings. Talagang maraming mai-insecure kay Alden dahil nakagawa siya ng remarkable record.

“Ang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo ang tinanghal na highest grossing local film of all time. Alden Richards is really destined to become successful dahil mabuti siyang tao.

“At sana nga, e, hindi siya magbago despite his success, manatili sana siyang humble and unaffected, marami po kasing huwad na idolo, sa totoo lang!” makabuluhang komento ni SOS.

Napakahalaga para sa amin ng mga kuwento ng mga kaklase ni Alden sa elementarya at high school, ang komento ng kanilang mga dating kapitbahay sa Laguna, nagkakaisa silang lahat sa pagsasabing magtatagumpay talaga ang Pambansang Bae dahil sa kanyang pagi­ging mapagkumbaba.

Sabi naman ng isang kaibigan namin, “Walang ibang kauuwian ang career ni Alden kundi ang pagiging successful. Marunong siyang magpasalamat sa Diyos, humihingi siya ng gabay to be grounded, kaya huwag na lang niyang papansinin ang mga taong hindi masaya sa tagumpay niya!”

At pahabol naman ni prop, “Ano ba ang sinisira, di ba, ang buo? Bakit pa nila wawasakin ang sira na?”

Oong-oo nga naman.

vuukle comment

BURARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with