^

PSN Showbiz

Nakikipag-paramihan kay Marian Zia mag-e-endorse na rin ng fastfood!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Nakikipag-paramihan kay Marian Zia mag-e-endorse na rin ng fastfood!
Zia & Marian

Ilang weeks pa lang umeere ang TVC ng Wilkins nina Dingdong Dantes, Zia at Marian Rivera, heto at may bago na namang endorsement ang panganay ng dalawa.

Pang-apat na endorsement na ni Zia ang McDo­nald’s at tiyak, may mga susunod pa. Nabanggit dati pa nina Marian at Dingdong na inilalagay nila sa bank ang talent fee ni Zia sa kanyang mga endorsement.

Nakikipagsabayan si Zia kay Marian na sunud-sunod ang endorsement, dumarami ang tinatawag nitong “family.” May isa pa siyang malaking endorsement, hintayin natin ang airing ng TVC.

Naisip lang namin, baka may mga react na namang mommies na tinanggap ni Marian ang McDonald’s endorsement para sa kanila ni Zia. Fast food kasi ang McDo at baka may magalit at sabihing at her age, hindi pa pwedeng kumain ng fast food si Zia. Remember, may nag-react nang pakainin ni Marian ng mashed broccoli si Ziggy.

Maxine at Kylie ‘di pa rin okay

Totoo ba ang sinabi ng fans ni Maxine Medina na binura nito ang IG post na kung saan nag-comment siya tungkol sa babae na tumawag sa kanyang OA. Kahit naman walang binanggit na pangalan si Maxine, alam ng mga nakabasa kung sino ang tinutukoy niya.

Sabi pala ni Kylie Versoza, nag-sorry siya kay Maxine after niyang maduraan ito at wala silang galit sa isa’t isa. Kung ganu’n, bakit in-unfollow siya ni Maxine sa Instagram at bakit nagsumbong si Maxine sa relatives niya sa ginawa sa kanya ni Kylie?

Ysabel matalas ang memorya

In fairness kay Ysabel Ortega, hindi niya nakalimutan na na-interview na namin siya noong si Ogie Diaz pa ang kanyang manager at talent pa siya ng ABS-CBN. Nabanggit kasi namin kay Ysabel na na-interview na namin siya nang makita ang young actress sa mediacon ng The Gift.

Siya na ang nagpaalala na si Ogie pa ang manager niya noon at kasabay pa niyang ipina-interview ni Ogie si Anjo Damiles na gaya niya, nasa GMA 7 na rin.

Anyway, bukas na, pagkatapos  ng  Beautiful Justice ang world premiere ng The Gift  kung saan, ginagampanan niya ang role ni Sabina, ang half-sister ni Sef (Alden Richards). Dream come true ni Ysabel ang makatrabaho si Alden. Napapaligiran daw siya ng mahuhusay na aktor at magaling na director na si LA Madridejos.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with