Jinkee inisnab-isnab ng nanay ni Heaven
Nagsumbong ang isang malapit kay Jinkee Pacquiao ng pang-iisnab ng nanay ni Heaven Peralejo na ex ng anak nila ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel.
Ayon sa source, naloka raw si Ms. Jinkee nang hindi siya pansinin nito matapos itong bumati sa nanay ng young actress.
Buti pa raw si Heaven at bumeso sa nanay ng ex boyfriend.
Pero ang mader daw, inisnab si Jinkee kahit nasa General Santos at nag-host pa ng lunch si Jinkee sa isang mall dahil nga nagpo-promote ang Kapamilya young actress ng isa niyang endorsement sa Gen San.
Say tuloy ng friend ni Ms. Jinkee bakit ang nanay pa ni Heaven ang malakas ang loob na mang-isnab kay Jinkee.
- Latest