^

PSN Showbiz

Jessy gustong mag-grow sa bagong manager!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy gustong mag-grow sa bagong manager!
Jessy

Kamakailan ay lumipat na si Jessy Mendiola sa panganga­laga ng talent manager na si June Torrejon-Rufino na siya ring may hawak sa kasintahan ng aktres na si Luis Manzano.

Ayon kay Jessy ay wala namang naging problema at wala siyang sama ng loob sa Star Magic kaya umalis sa poder nito. “Yes I recently left Star Magic to pursue other things. No bad blood naman, no problem, nagpaalam ako nang maayos. Siguro gusto ko lang mag-grow, and a different place. Alam naman nila ‘yon, gano’n naman sila. Kapag gusto ng artista mag-grow, hahayaan nila. Ako, parang I feel like I have to do this for me to learn, maging independent and all. I’ve been with Star Magic for almost twelve years,” paglilinaw ni Jessy.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatanggap daw ang aktres ng kontrabida role mula nang nagpalit ng talent manager. “Itong Sandugo I got this no’ng na kay Tita June na ako. They pitched it to me, and finally napayagan akong magkaroon ng gray character. It’s always been a dream of mine to be someone na hindi mabait sa TV,” kwento ng dalaga.

Kailangan ding pakaabangan ng mga tagahanga ni Jessy ang pagsabak bilang isang TV host katulad ng nobyong si Luis. “Soon I’ll be pursuing hosting also. Kasi I’m getting tips from Luis. Dati kasi hindi ako comfortable sa public speaking or with engaging with people,” pagbabahagi niya.

Mapapanood ngayon ang digital movie ng aktres na Mga Mata sa Dilim sa iwant.ph. Katambal ng aktres sa nasabing pelikula si Derek Ramsay.

Daniel anak ang turing kay Khalil

Nagsimula nang ipalabas kahapon sa sinehan ang mga pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Isa na rito ang LSS na pinagbibidahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.

Sinuportahan ng magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang premiere night ng pelikula kamakailan. “Parehong good friend namin silang dalawa. So nakaka-proud na nakita namin sila sa first ever movie nila together and sinamahan mo pa ng magandang soundtrack ng Ben & Ben,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Matatandaang nakasama si Khalil sa teleseryeng Princess And I na pinagbidahan nina Kathryn at Daniel sa Kapamilya network pitong taon na ang nakalilipas. “Nakaka-proud, parang anak ko si Khalil kasi kasabayan namin ‘yon sa Princess and I di ba? So alam mo ‘yon, parang ang galing lang ng mga nangyayari sa lahat. Ang sarap mapanood and ang sarap nilang makitang dalawa. Happy kami sa mga kaibigan namin na nakakagawa ng mga ganitong klaseng pelikula,” pahayag naman ni Daniel. (Reports from JCC)

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with