^

PSN Showbiz

Alden nakawala na sa mga negative people

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden nakawala na sa mga negative people
Alden

Agree ako sa mga pangdededma ni Alden Richards sa mga basher niya.

Dapat lang naman talaga ang ginagawa ni Alden dahil bakit niya papansinin ang mga naiinggit sa kanya?

May napatunayan na si Alden kaya puwedeng-puwede siya na kumawala sa mga tao na nag-aakala na may karapatan sila na kontrolin ang pagsikat niya.

Mga basher na feeling na mas matalino sa mga tao na nagpaplano ng career ni Alden, ang mga producer ng pelikula at executives ng GMA 7.

Nakita na ngayon ni Alden ang wisdom ng mga payo sa kanya ng mga tao na tunay na may malasakit at alam  ang dapat na maging takbo ng showbiz career niya.

Mataas na ang level ng career ni Alden at  nganga na ang mga nagdudunung-dunungan na mahilig na mag-threat ng i-boycott ang Asia’s Multi-Media Star.

Now that Alden is free from these negative people kaya bashing naman ginagawa nila sa kanya. Hay naku, darating ang araw na the more they bash, mas nagiging popular ang kanilang mga sinisiraan kaya  mamahalin na natin ang mga basher so bash if they want, okey lang.

Walang limit ang friendship…

Ang unconditional trust and respect ang pinaka-importante sa friendship. Iyon sinasabi na kahit hindi kayo madalas magkita at magkausap, alam mo na friend mo siya. Iyon kahit ano pa ang makarating sa iyo na sinabi o ginawa niya, hindi mo bibigyan malisya dahil may trust ka sa kanya. Iyon respeto na binibigay mo pag gusto niya ng space o kaya ay may iba rin siyang kaibigan. Unconditional, walang limit, walang ranking, walang parameter. Sa panahon ngayon mahirap na nga siguro magkaroon ng ganun klase ng friend, iyon masaya pag nakita kang nag-grow, iyon gusto ka share ka sa lahat ng good things na nararanasan niya, iyon generous in sharing their blessings. Pero kahit mahirap meron pa rin ganitong kaibigan. Puwede hindi mo lang nabibigyan pansin, pero lagi siya nandun sa side mo, sharing with you the same energy and luck that she have. Friends are gift from God, our human angels, you will never be where you are now kundi sila nasa tabi mo. Be grateful to them, they are precious gems.

Aileen napagkamalang artista sa poster

Bongga ang invite ni Rose Lee para sa presscon ni Young JV at Aileen Go ng MegaSoft, Salve.

Remember mo na tanong ako ng tanong kung sino ang kasama ni Young JV sa poster ng Fastclean na sabi ko ang ganda naman, si Aileen pala ‘yon na blooming at talagang ang ganda ng ayos sa kanya ni Jonathan.

In fairness ang mabango at maganda na pang-laba ang Fastclean ng MegaSoft dahil panlaban talaga sa ibang laundry products.

Fastclean ang trademark ng detergent powder ng MegaSoft na totoo na mabilis makalinis at mabango pero mas excited ako sa presscon dahil cute ang tandem nina Young JV at Aileen, bongga talaga.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with