^

PSN Showbiz

DOT malaki raw ang tulong sa Sandaan… FDCP Chair Liza nagsalita sa intrigang 50 million na budget

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
DOT malaki raw ang tulong sa Sandaan� FDCP Chair Liza nagsalita sa intrigang 50 million na budget
Liza

Congratulations sa mga taga-Film Development Council of the Philippines (FDCP) lalo na kay Chairperson Liza Diño na matagumpay nilang nairaos ang Sine Sandaan na ginanap sa New Frontier Theater kamakalawa ng gabi.

Hudyat na rin ito nang pagsisimula ng pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

Marami ang nagtatanong bakit hindi inilabas ng bumubuo ng Sine Sandaan ang listahan ng 300 Showbiz Luminaries na paparangalan nila.

Sabi ni Liza, iniiwasan na lang nilang i-nega pa ng iba kung sakaling inilabas na mga pangalan. Hindi raw talaga maiwasang may nangunguwestiyon at pagdudahan ang pagpili nila ng winners.

“Hindi pa nga lumalabas yung list, nakita namin na parang ang dami na nagri-react. So, I don’t wanna kill the moment for this industry.

“I don’t want them to be na parang pupunta sila dito na may agam-agam na people are judging,” pakli ng FDCP Chairperson.

Ipinaliwanag na rin niya kung ano ang proseso nang pagpili ng mga luminaries na pinarangalan.

Ani Liza; “Binase namin to sa magaganap tonight. Kasi using the Sandaan, selebrasyon ng milestones ng Philippine cinema and kasama dito ang iba’t ibang sektor na bumuo sa pelikulang Pilipino. So, meron tayong behind the camera where scriptwriters, editors, cinematographers, mga tao sa likod ng kamera ay pararangalan, in terms of the criteria.

“Ang haba ng pinagdaanan ng voting process kasi we put together a list out of the body of work, and nagbuo kami ng…we consulted the different institutions from the different….kasama sa committee ng National Organizing Council ng Sandaan.

“Tapos, tumawag kami sa guilds. Nagpa-ask kami ng mag-nominate sila ng mga taong tingin nila na kasama dapat dito.

“We asked historians na magbigay sa amin ng context sa mga bagay o mga taong baka nakalimutan namin. And then, hanggang sa napino nang napino yung list.”

Mabuti at nakisama ang panahon nung gabing iyun kaya maayos ang red carpet na dinaluhan ng mga big stars, pati mga maliliit na artista at lahat na mga taong involved sa movie industry.

Pero hindi naiwasan pang intrigahin, kagaya nang lumabas na isyung 50 million pesos daw ang ginastos sa malaking event na iyun.

Nagulat si Liza sa ganung intriga.

Totoong may matatanggap daw silang 50M pero hindi para sa Sine Sandaan.

“Itong 50M ay binigay sa atin ng co-production fund for next year. So, meaning sa allocation incentive fund kung saan makaka-attract tayo ng foreign productions to shoot in the country.

“It’s a scheme na gagawin natin para mas lalong dumami yung productions na gagawin natin.

“Yung 50M na yun, it’s actually for another program namin na matagal na naming nila-lobby na finally nakuha namin,” pahayag ng FDCP Chairperson.

Nagpapasalamat lang daw siya sa Department of Tourism na full support sa proyektong ito kaya binigyan sila ng pera para dito sa Sine Sandaan.

“Kung nakita n’yo na kung gaano kalaki yung event na to, hindi n’yo aakalain na eight million lang yung pera namin para dito. Ang daming tumulong lang talaga.

“Sana naman maging masaya na lang tayo. This is a chance for us to get together as one industry.

“Actually, kung may 50M ako, I will spend it for this one. Because, I think our industry deserves no less.

“Pero I don’t have 50 million, so salamat sa DOT. Pero alam nyo ayaw nila magpaano pero grabe ang suporta nila sa amin,” dagdag niyang pahayag.

Daniel at Kathryn pinayagan nang makita ang Northern Lights

Ang daming naganap nung gabing iyun, at talagang pinagkaguluhan ng mga taong nag-abang sa red carpet.

Ilan sa mga huling dumating na rumampa sa red carpet ay ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sila ang may pinakamalakas na tilian ng mga fans na nagtiyagang nag-abang sa red carpet.

Sa gitna ng mga nagkakagulong gusto silang kunan ng litrato, tinanong namin sa kanilang dalawa  kung totoong sa Iceland nga ba sila magsu-shooting ng pang-Valentine movie nilang dalawa.

“Hindi po. Bakasyon po yun.

“Matagal na po namin yun pinaalam. Finally po pinayagan,” mabilis na sagot sa amin ni Kathryn.

Sinundan ko na rin ng tanong kung kailan ang alis nila; “Very soon po,” tipid na sagot naman ni Daniel.

Excited lang daw sila dahil makikita na nila ang Northern Lights, kaya pinaghandaan nila ito.

Wala pa silang masasabi tungkol sa gagawin nilang pelikula na sinasabing for  Valentine’s Day next year.

Dingdong 5 oras tatakbo sa Berlin

Sa September 20 naman ang alis ni Dingdong Dantes patungong Berlin para sa sasalihan niyang  2019 Berlin Marathon.

Sabi nga ni Marian, apat na oras siyang tatakbo na walang tigil, pero sabi ni Dingdong, baka abutin pa raw ng five hours.    

Kaya pinaghahandaan na niya ang pagtakbo niya.

“Hindi pa naman masasabing 100 percent ready pero naghahanda na,” pakli ng bida ng Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.

Gusto pa naman daw niyang kasama si Marian Rivera, pero hindi nga raw talaga puwede dahil may aalagaan siyang dalawang anak nila.

“First time nga eh…kaya parang malungkot…sana nandun siya. Pero may next time naman,” nakangiti niyang pahayag.

Tamang-tama, sa Linggo, September 15 na ang finale ng Starstruck 7 kaya iyung Descendants of the Sun na lang ang iiwan niya sandali.

 

 

vuukle comment

LIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with