^

PSN Showbiz

Kylie matindi ang selos sa lovescene nina Jake at Maxine?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kylie matindi ang selos sa lovescene nina Jake at Maxine?!
Kylie & Jake

Dalawa sa mga gumaganap ng malaking role sa panghapong serye ng ABS-CBN na Los Bastardos ay mga winner ng Bb. Pilipinas, isang prestihiyosong beauty pageant na nagpapadala ng ating mga kandidato sa Miss Universe, Miss International at ilan pang major international beauty pageants ay sina Kylie Verzosa, nanalong Miss International at Maxine Medina, naging kinatawan naman ng bansa sa Miss Universe ng kaparehong taon.

Bida ang role ni Maxine pero, kontrabida naman ang kay Kylie. Maganda ang working relationship ng dalawang beauty queens, sa simula ay nagtutulungan pa sila pero, nagtataka ang marami kung bakit lately ay nababalitang nag-aaway sila at umabot ang kanilang sigalot sa punto na dinuraan daw ni Kylie si Maxine sa isa nilang eksena?

Hindi kaila sa lahat na may relasyon sina Kylie at Jake Cuenca sa likod ng kamera at hinihinalang selos ang dahilan ng away ng dalawa dahil siguro maraming maiinit na eksena sina Jake at Maxine.

In-unfollow na rin ng dalawa ang isa’t sa social media.

Napipiling resbaker ng TNT, hindi feel ng manonood

Habang pinagtatagal ng It’s Showtime ang paghahanap ng kukumpleto sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan to the point na nakakahanap na ng dahilan ang mga manonood na iparamdam ang kanilang pagkainip sa matagal nang hinihintay na grand finals ng itinuturing kong pinaka-credible na singing contest sa TV until that time na kumuha sila ng isang grandfinalist na hindi umayon sa panlasa ng manonood.

Maganda na sana yung naunang line-up na nabahiran ng pagdududa dahil habang nagtatagal ay nagiging less credible ang nananalong resbaker. ‘Yung naglaban na dalawang myembro ng LGBT, obvious who was the better singer. Ganundin yung laban  ng nasabing LGBT sa itinuturing na pinakamahusay na resbaker. Sa halip na makapili ng pinakamagaling na contestant ang TNT, habang nagtatagal ang contest, sumasama na ang resulta. 

Imelda sasamahan sa concert ng mga natulungang OFW

Hindi batid ni Imelda Papin na ang apat na OFWs na tinulungan niya para makauwi ng bansa para makaligtas sa pangaabusong sinapit nila sa kanilang recruiters ay mga lehitimong tagahanga niya. Hindi siya ang direktang hiningan ng tulong ng apat para sila makabalik ng bansa, kundi isang kaibigan ng singer, ang ABS-CBN broadcaster na si Junne Palacio na nakilala nila sa isang prayer meeting at nagparating sa ngayon ay bise gobernador ng Camarines Sur ng problema ng apat na babaeng sinamang palad sa Riyadh, Saudi Arabia, sina Evelyn Voltron ng Masbate, Aileen Batulan ng Leyte, Leonor Cabiao ng Nueva Ecija at Helen Ondin ng Cotabato.

Naloko ang apat ng kanilang recruiter at wala silang pera para makauwi. Wala silang trabaho, walang bahay na matutuluyan at ilang araw na walang pagkain at sexually harassed pa.

Kinontak ni Palacio ang singer na walang sinayang na sandali para agad mapauwi ang apat. Kinontak nito ang namumuno ng OWWA sa Riyadh na si Dr. Amelito Adel at sa pamamagitan nito ay nalunasan ang problema nila.

Nasa bansa na ang apat at masayang ma­ging bahagi ng 45th anniversary ni Imelda na magaga­nap sa Philippine Arena sa October 26. Pinangakuan sila ng singer na tutulungang makahanap ng trabaho dito.

Luis at Jessy may ibang priority, kesa maki-ball

Hindi naman siguro malaking kasalanan kung hindi man makadalo ang magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa ABS-CBN Ball na magaganap ngayong gabi.

Taun-taon naman ay present sila sa makulay na event na talagang pinaghahandaan ng lahat ng Kapamilya stars, this years para makalikom ng pondo para sa pag-aaral ng maraming kabataan na nasa kandili ng network.

May selebrasyon ng birthday niya ang ama ni Luis na si Edu Manzano at mas nauna na ang pagpaplano nila at paghahanda para rito. Maiintindihan na marahil ng Kapamilya network kung ito ang mas binigyan ng prayoridad ng dalawa this year. Hindi naman ibig sabihin na porke wala sila sa ABS-CBN Ball ay wala na silang tulong sa magandang layunin nito.

vuukle comment

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with