^

PSN Showbiz

Rated K mas bongga ang rating sa bagong oras, super trending sa youtube

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Rated K mas bongga ang rating sa bagong oras, super trending sa youtube

MANILA, Philippines — May umay factor na ang debate tungkol sa SOGIE Bill.

Actually, mas alarming ang tungkol sa issue ng suicide.

Dito sa atin, ayon sa report ng Rated K ni Ms. Korina Sanchez last Sunday, pabata nang pabata ang naiisipang magpakamatay.

Pinuntahan pa ng Rated K ang pamilya ng teenager na nagpakamatay. Last March lang nang nabalitang nag-suicide ang isang Grade 10 student sa Sorsogon. Ang sabi, diumano’y dahil sa mababang grades sa eskuwelahan kaya nagpakamatay ang bata.

Nakakatakot. Dahil kahit siguro anong bantay mo, maraming evil forces dahil sa sobrang expose na sila sa mga bagay na  hindi pa sila handa.

Ayon pa sa report ng Rated K, walang pinipili ang ganitong problema ng pamilya. Mayaman o mahirap, bata o matanda.

Sad reality na mas dapat sanang pag-usapan kesa sa ibang bagay tulad ng issue sa karapatan ng third sex sa paggamit ng comfort room lalo na nga’t sa society naman natin ay kinatutuwaan natin sila.

By the way, bukod sa mas interesting ang mga topic ngayon sa Rated K, mas showbizzy na sila.

Last Sunday ay ang tungkol kina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna ang ginawan nila ng special feature.

Mas bongga raw ang rating nila ayon sa staff ng Rated K since magbago sila ng concept at mag-iba ng oras. Bukod pa sa nagri-rate, super trending ang bagong Rated K sa YouTube.

Anyway, tungkol pa rin sa pag-suicide, nabalitaan n’yo ba ang nangyari sa isang pastor na nagbuo pa ng grupo na tinawag niyang Anthem of Hope para sa mga taong may suicidal thoughts,  nagpakamatay din?

Siya si Jarrid Wilson, na may maayos na pamilya, pero nagpakamatay.

Hay, dapat talaga enjoy life lang. Chill lang.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with