Wildflower ni Maja, napapanood sa mga lugar sa Pacific at Indian Oceans
MANILA, Philippines — Wow, umaarangkada na rin ang teleseryeng Wildflower sa tatlong French-speaking na mga lugar sa Pacific at Indian oceans simula noong Agosto 19 via Outre-mer la 1ere, isang sikat na French network.
Yup, napapanood na pala ngayon ang Wildflower na pinagbidahan ni The Killer Bride actress Maja Salvador sa New Caledonia, Polynesia, at Reunion, na naging possible dahil sa ugnayan ng diumano ABS-CBN at Ampersand Fiction, isang French content distributor.
Umeere rin ito sa lahat ng French-speaking African countries dahil sa deal ng ABS-CBN sa Startimes at inaasahan din ang Wildflower na mapapanood sa Madagascar simula ngayong Oktubre.
Matatandaang isa sa mga sinusubaybayan na teleserye ang Wildflower noon at naging bida rin ito ng napakaraming memes.
Sumusunod ang Wildflower sa yapak ng iba pang teleserye ng ABS-CBN na tinatangkilik ngayong 2019 sa ibang bansa tulad ng Pangako Sa’Yo sa Dominican Republic, Halik sa Tanzania, Forevermore sa Thailand, The Blood Sisters sa Kazakhstan, at The General’s Daughter at Ngayon at Kailanman sa Myanmar, at ang upcoming co-production ng ABS-CBN at Limon Yapim ng Hanggang Saan sa Turkey.
- Latest