^

PSN Showbiz

Sen. Bong first birthday sa ‘labas’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong first birthday sa �labas�

Birthday na naman ni Senator Bong Revilla sa September 25 at sure ako na isa ito sa mga pinakamasaya niya na kaarawan dahil nakalaya na siya at muling nahalal na senador kaya gumawa ako ng open letter para sa kanya:

Dear Bong, ito na siguro ang pinakamasaya na birthday mo. Ilan birthday mo rin na nakakulong ka sa Camp Crame.

Naka-smile ka kapag may bumabati sa’yo ng happy birthday pero paano magiging happy ang nakakulong?

Ilang birthday mo na siguro na ang nagpapaligaya lang sa ‘yo ay ang mga tao na patuloy na dumadalaw at nagpapakita ng pagmamahal.

Nasa labas ka na ngayon, hinatulan ng ‘not guilty’ ng hukuman pero may mga tao pa rin na feeling na mas matalino sila sa husgado at mas malinis sila kesa sa’yo. Mga tao na gusto ka talaga na makita na nakadapa.

Mga tao na nag-aakala na mas tama sila kesa sa mga naniwala at bumoto sa’yo para makabalik ka uli sa senado. Igalang natin, i-respeto ang paniwala nila. Hindi sila ang mas mataas, mas matalino o mas malinis.

Nasa Itaas ang nagbigay hatol sa‘yo, si God ang nagbigay ng second chance. Sa kanya ka lang may responsibilidad, sa kanya ka lang dapat managot at siya lang ang puwedeng magsabi kung masama ka o mabuti.

Itinatanong nila kung bakit napakalaki ng tiwala at pagmamahal ko sa’yo. Ang tangi kong maisasagot, dahil kilala kita.

Hindi ka matutukso sa pera, hindi ka matutukso sa power. Alam ko dahil kahit kailan, never na natukso ka at naging problema sa’yo ang pera.

Madali ka na matukso sa babae at tanggap ko ito pero kay Lani at sa mga anak mo lang ang may kasalanan ka.

Wala kang pinapatay na tao, wala kang tinapakan. Baka nga ang kasalanan mo, masyado kang nagtiwala. Na basta kilala mo ang tao, okey ka lang at  hindi mo na masyadong titignan kung tama o mali sila.

Puwedeng naging incompetent ka sa ibang bagay pero hindi ka bobo, masyado lang ang trust na ibinibigay mo.

Basta kahit ano pa ang sabihin nila, I will always trust and believe you dahil alam ko na mabuti ka na tao, trustworthy ka at naniniwala sa honor system. Fly higher, huwag ka magpapatalo sa mga tao na hindi nakikita ang tunay na Bong Revilla.

I love you, happy birthday, be really happy because God is good.

Mabilis na internet nakakatulong sa pag-alis ng boredom

Salve, si Ling Garcia Perez at Daphne ng Smart ang mga bago kong angels now. Kinulit-kulit ko talaga ang ever favorite ko na si Chaye Cabal-Revilla, ang ever efficient na executive ng PLDT para sa aking Ipad with wifi para ma-download ko ng mga ever favorite teleserye ko na nakakatulong para magkaroon ako ng diversion sa boredom ko, nakakatulong para hindi ako ma-blank out at gumana pa ang pilya kong utak di ba?

Siyempre dahil spoiled ako sa ever favorite ko na si Chaye Revilla, hitsura talaga na every minute, tine-text ko sina Aleli at Daphne.

Sa tulong ni Mama Ling, on the way na sa ma-traffic na Commonwealth Avenue via Grab ang aking Ipad with wifi. Thank you Smart ladies of Smart and PLDT na grabe ang PR at pagmamahal sa movie press. Bongga kung magpa-raffle ang Smart at PLDT kaya enjoy ang lahat ng mga nag- attend sa mga event ninyo. Love you ladies.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with