^

PSN Showbiz

Nahihirapan sa emotional relapse JM, nasasaktan kapag tinatawag na ‘adik’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Agence France-Presse
Nahihirapan sa emotional relapse JM, nasasaktan kapag tinatawag na �adik�
JM de Guzman

Kahit nagbago na ay hindi pa rin nawawala sa isipan ng ibang tao na dating adik si JM de Guzman. Matatandaang nalulong sa ipinagbabawal na gamot ang aktor ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay JM ay nasasaktan siya sa tuwing may nababasa o naririnig siya tungkol sa kanyang madilim na nakaraan. “Ngayon po kasi kapag po wala akong teleserye, kaya ko ‘yan. Pero kapag meron po kasing teleserye, binubuksan ko ‘to (puso) eh. Medyo vulne­rable po ako so kapag medyo nakakarinig po ako ng… medyo sensitive po ako. Minsan nararamdaman ko pa rin na… alam mo ‘yung tahi na pero ‘pag hinawakan mo parang medyo sensitive pa rin dahil do’n sa sugat niya,” makahulugang pahayag ni JM.

Dumarating din ang mga pagkakataon na muntikan nang mapaaway ang aktor dahil sa ilang mapanghusga sa kanyang mga pinagdaanan. “Opo, actually, minsan po nakakarinig ako ng pambabastos harap-harapan. Like ‘pag may magpapa-picture sa akin, sasabihin, ‘Ba’t ka magpapa-picture diyan eh adik ‘yan,” kuwento ng binata.

Kapag mayroong mga naririnig na hindi maganda ay talagang nanunumbalik umano sa isipan ni JM ang kanyang mga napagdaanang pagsubok sa buhay. “Nagpa-flashback eh, lahat ng nilaban ko, lahat ng pinagdaanan ko. Three years of rehabilitation, ‘yung state of mind ko do’n na… hindi nila maintindihan. Something hard to explain,” dagdag pa niya.

Hindi pa natatapos ang rehabilitation process ng aktor hanggang ngayon. Hinding-hindi na rin daw babalikan ni JM ang masamang bisyo. “’Yung emotional relapse ang mahirap. Kasi ‘yon naman po talaga ‘yung pinagsimulan eh. Kapag pumutok ka na wala ka nang pakialam. Do’n na lalabas ‘yung mga ugali mo kaya ka gagamit (ng droga). Mahirap ‘yung struggle kasi marami pong at risk eh. Ang pamilya ko, umaasa po ako na makatulong pa rin and sa future family na gusto ko sanang mabuo. Ang misyon ko kasi is hindi ipa­ranas sa kanila ‘yung naranasan ko. They don’t deserve to experience what I’ve expe­rienced,” paglalahad ng aktor.

Katarina excited ipasa ang korona, sasabak na sa teleserye

Sa Linggo na gaganapin ang Miss World Philippines 2019 sa Araneta Coliseum. Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ang 2018 Miss World Philippines na ipasa ang kanyang korona. “I think I’m the only queen actually excited to pass my crown down. Like sobrang excited ako dahil marami akong projects lined up after passing down the crown. So I’m waiting lang to pass it forward and moved on the the next thing,” nakangiting bungad ni Katarina Rodriguez.

Tuluyan nang sasabak ang beauty queen sa show business. Pinaghahandaan ni Katarina ngayon ang isang bagong teleserye na kanyang kinabibilangan. “I’m going to be part of teleserye, I cannot say it who or which channel yet. But it’s really big project, it’s something I couldn’t say no to,” pagbabahagi ng dalaga.

Bilang paghahanda ay puspusan na umano ang pag-aaral ni Katarina nang pagsasalita ng Tagalog. “Kasi my script di ba, so I study the script. I study how to deliver it. Actually madali na ako mag-Tagalog kung may script,” pagtatapos niya.  (Reports from JCC)

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with