^

PSN Showbiz

Hunk actor nakawala sa hawla nang mahiwalay sa ex na over ang pagiging insecure!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkukuwentuhan sa maraming umpukan ang sobrang pagiging selosa ng dating karelasyon ng isang hunk actor. Nang magkahiwalay pala sila ay maraming bumati sa pamosong aktor, “Welcome back to the world!” ang mga mensaheng tinanggap niya.

Ayon sa kampo ng guwapo at matipunong male personality ay para siyang nakakulong sa hawla mula nu’ng maging karelasyon na niya ang babaeng sobrang selosa at palaging inaatake ng insekuridad.

Kuwento ng isang loyalistang kaibigan ng hunk actor, “Nakakaawa siya dahil lahat na lang ng kilos niya, e, binabantayan ng girl! Wala siyang lakad na hindi kasama ang girlfriend niya.

“May mga pagkakataong siya lang dapat ang uma-attend sa party dahil stag ‘yun, pero sumasama pa rin ang girl! Hindi siya nahihiya kung siya lang ang nag-iisang girl sa party!

“Ganu’n siya katindi, hawak niya sa leeg ang guy, porke alam niyang mahal na mahal siya! Talagang inangkin na niya nang buung-buo ang boyfriend niya!” sabi ng aming source.

May limitasyon ang kabaitan, humuhulagpos ang pasensiya, kaya isang araw ay kinausap na nang masinsinan ng male personality ang kanyang girlfriend.

“Humingi na siya ng liberty, kasi nga, lahat na lang ng kilos niya, e, kailangang sinasala ng babae! Dadalaw lang siya sa parents niya, e, inoorasan siya, kaya bitin na bitin ang bonding ng family nila!

“Hindi kasi sumasama ang girl kapag may sarili siyang lakad with her friends, pero naman! Kung tawagan niya ang guy habang kasama ang parents niya, e, walang pinipiling panahon!

“At kinukuwenta niya ang oras, counted pati ang traffic, ganu’n katindi ang babaeng ‘yun kapag hindi sila magkasama ng male personality!

“Kaya masaya ang mga katropa ng guy nu’ng magkahiwalay na sila, welcome to the world nga ang kantiyaw sa kanya, dahil kahit ang mga kaibigan niya, e, hindi na rin nakakasama ng hunk actor!

“Wala siyang tiwala sa karelasoyn niya. Ang feeling niya, e, palagi siyang kakaliwain at lolokohin! Praning ang babaeng ‘yun, kaya ano ang naging ending ng relasyon nila? Waley!

“Mukhang masuwerte ang hunk actor sa bagong girl na nali-link sa kanya. Matiwala sa kanya ang girl, binibigyan siya ng freedom, kaya wala nang hahanapin pa ang guy sa bagong girl na nagpapasaya sa kanya araw-araw!

“Hindi lang siya better, siya ang klase ng girl na bagay na bagay sa male personality, the best siya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Mahigpit na seguridad sa mga subdivision, hindi garantiya sa mga magnanakaw!

Totoo, hindi na garantiya ng kaligtasan ngayon ang pagtira sa mga sikat na subdivision na guwardiyado, wala nang pinipiling lugar ngayon ang mga magnanakaw.

Ibayong pag-iingat na lang talaga ang kailangan para hindi tayo mabiktima ng masasamang-loob. Malaking bagay ang pagpapakabit ng CCTV camera, ang pagtanggap ng mga taong kilala lang natin kung sino ang nagrekomenda para maiwasan ang inside job, nakakatakot na talaga ang panahon ngayon.

Sino ba ang mag-aakala na ang bahay nina Gerald Sibayan at AiAi delas Alas ay mapapasok pala ng mga magnanakaw? Dalawang palit ang mga guwardiya ng subdivision sa maghapon, bago ka makapasok sa lugar ay itatawag pa muna ng mga guards sa homeowner ang pangalan ng bisita, pero nalulusutan pala sila ng mga magnanakaw.

Ganu’n din ang nangyari sa kaibigan naming salon owner, nagising pa nga ito habang hinahalungkat ng isang batambata pang lalaki ang kanyang mga gamit sa kuwarto, pagbangon nito ay saka tumalon ang bagets sa bintana.

Parang ang nangyari rin kay AiAi ang nangyari sa kaibigan namin, kinabukasan ay may tumawag sa kanya, nakakalat sa kalye ang kanyang bag na may mga lamang ID at wallet lang nito ang kinuha.

Kailangang tutukan ng mga pamunuan ng malalaking subdivision ang ganyang senaryo, paano pa sila nalulusutan ng mga magnanakaw, samantalang napakahigpit ng mga security guards nila sa gate?

Buti na lang at walang masamang nangyari ina AiAi at Gerald, iniligtas pa rin sila sa mas matinding krimen, kaya nakatulog sila nang mahim­bing at kinabukasan na lang nila nalaman ang nakawan.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with