^

PSN Showbiz

Magangdang young actress pinagbawalang mag-ingay tungkol sa amang ‘di nakikita!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming naaawa sa isang magandang young actress na palaging takip na lang nang takip sa mga kakulangan ng kanyang ama. Hanggang kailan nga ba niya maitatago ang mga sama ng loob na bitbit niya ngayon tungkol sa kanyang ama?

Maraming nagulantang nang lumabas ang katotohanan na anak pala siya ng isang kilalang-kilalang male personality sa isang dating aktres.

Naging malaking sorpresa ‘yun para sa mas nakararaming taga-showbiz dahil ang mga anak ng lalaking personalidad sa iba nitong mga nakarelasyon ay lantad.

Bukod-tanging ang young actress lang ang hindi, lumaki siya na tagung-tago ang kanyang personal na buhay, hindi niya puwedeng ipagmalaki na anak siya ng male personality na hinahangaan sa kanyang hanay.

Kuwento ng isang source, “Big surprise talaga ‘yun dahil bihirang-bihirang taga-showbiz lang ang nakakaalam na anak pala siya ng tatay niyang sikat. Hindi kasi siya inilabas, bawal na bawal sa kanilang mag-ina na magpa-interview!

“Nakatago lang silang mag-ina, hindi puwedeng sabihin nu’ng former actress at ng bata na may connection ang sikat na male personality sa buhay nila!” pagbubukas sa topic ng aming source.

Masama ang loob ng anak sa kanyang ama dahil matagal na panahon na silang hindi nagkikita. May pinakiusapan na ang mag-ina na gumawa ng paraan para magkita ang mag-ama pero palaging hindi available ang tatay.

Patuloy na reaksiyon ng aming impormante, “Malinaw naman ang sinabi ng mag-ina sa taong pinakiusapan nila—hindi manghi-hingi ng pera ang bagets sa kanyang tatay.

“Wala siyang hihingin, walang kapalit ang pagkikita nila, gusto lang maram­daman ng bata na meron naman pala siyang tatay. Gusto niya namang makumpleto ang pagkatao niya.

“Pero wala pa ring pasabi ang male personality, palagi raw siyang busy, napakarami raw niyang inaasikaso sa puwestong pinanghahawakan niya ngayon sa gobyerno natin.

“E, mag-uusap ba naman sila nang maghapon? Kakainin ba ng anak niya ang mahabang oras niya? Isang mahigpit na yakap lang naman ang magaganap, saka konting kuwentuhan, tapos na ang lahat!

“Nakakaloka nga, napakaraming suliranin ng bayan na nire­resolbahan ang male personality, pero ang mismong problema nila ng anak niya, e, hindi niya maihanap ng panahon?

“Kung makapagsasalita lang ang kabayong sinasakyan niya sa kanyang mga pelikula, e, baka pangaralan siya! Pinuno, ano ba talaga?” parang nananawagan nang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Bashers ni Kris ayaw tantanan si Bimby

Kung kami kay Kris Aquino ay hindi na naming papatulan ang isyung kumukuwestiyon sa gender ni Bimby. Kahit kaunting panahon ay hindi namin bibigyan ang mga taong walang magawa sa buhay at mema lang.

Pero ipinaglihi yata talaga sa patola si Kris, bi-nibigyan pa niya ng atensiyon ang mga pumupuna sa pagiging malambot ng kanyang bunso.

Ang mga argumento kasi ng mga namumuwisit kay Kris, kung sa poder lang daw ni James Yap lumaki si Bimby ay machung-macho sana ang dating ng kanyang anak, hindi ganyan na pati ang ka­yang paraan ng pagsasalita ay kopyang-kopya ng teenager na niyang bunso, ngayon pa lang ay hinuhusgahan na si Bimby na susunod sa yapak ni Vice Ganda.

Ang mga batang lumaki nang walang father figure at tanging nanay lang ang katuwang na lumaki ay may pagka-effeminate. Pinong kumilos. Pero hindi nangangahulugang magi-ging bakla na sa kanilang paglaki.

At kung sakaling maging ganu’n nga si Bimby ay nasaan ang problema? Nakakahawang sakit ba ang pagiging gay? Hihinto ba ang ikot ng mundo ni Kris kung matuklasan man niyang beki pala si Bimby?

Namumuhay si Kris Aquino sa isang mundong pinalilibutan ng mga bakla. Puro bakla ang kanyang mga kaibigan at nakakatrabaho. Hindi na bago para kay Kris ang ginagalawang espasyo sa mundo ng mga bakla.

Dalawang-kamay na yayakapin ni Kris Aquino si Bimby kung sakaling matupad nga ang pinoproblema ng kanilang mga bashers.

May hihirit pa kaya?

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with