^

PSN Showbiz

Kahit mukhang mabaho sa mga picture Pabango ni John Lloyd mabenta pa rin

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kahit mukhang mabaho sa mga picture Pabango ni John Lloyd mabenta pa rin
John Lloyd

Magti-twenty years na pala ang Aficionado Germany Perfume at kamakailan lang ay ipinagdiriwang nila ang 10th year ng paborito nilang endorser ngayon na sina Erich Gonzales at Jason Abalos.

Mabenta raw ang produkto ni Erich, kaya na-maintain siyang endorser, pero sinasabi naman ng mga taga-Aficionado na as much as possible ayaw nilang mag-drop ng endorser.

Si Jake Zyrus lang ang hindi nila itinuloy dahil kinuha raw nila noon na Charice Pempengco, at nung nagpalit na ito ng image at pangalan, talagang naapektuhan daw ang produktong ini-endorse nito.

Naisip siguro ng mga tao na wala na yung Charice, kaya dedma na rin sila sa produkto nito.

Bukod pa diyan, nahirapan na raw silang makipag-deal nang magpalit na rin ito ng manager.

Doon na rin napag-alamang hanggang ngayon ay endorser pa rin pala nila si John Lloyd Cruz.

Hindi raw nila tinerminate ang kontrata nito kahit nagpahinga na ito sa showbiz at minsan parang mukhang mabaho ang itsura niya na lumalabas sa social media, pero epek pa rin pala ang bentahan ng pabango niya.

Si Lloydie kasi talaga ang nagdadala noon ng Aficionado at ang buong akala namin, nang magpahinga na ang aktor sa pag-aartista, tapos na rin ang endorsement niya sa kumpanya ni Joel Cruz.

Pero sabi ng taga-Marketing ng Aficionado, may existing contract pa si John Lloyd sa naturang kum-panya at gusto naman daw nilang sundin ang totoong meaning ng Aficionado na ibig sabihin nito, loyal at devoted.

Kaya gusto raw talaga ni Joel ang long term relationship sa mga endor-sers niya.

Bukod pa diyan, may mga orders pa rin daw sa pabango niya.

Kaya inaasahan nilang makakabalik pa si John Lloyd, para tuloy pa rin ang pag-endorse ng kanyang pabango.

Maureen wala pang makuhang ka-partner

Wala pa rin palang napili ang Reali­ty Entertainment na leading man para kay Maureen Wroblewitz.

Next month na raw siya magsisi-mula, at lumipad na nga ang direktor ng project na ito na si direk Katski Flores sa New Zealand para mag-ocular.

Susubukan na rin daw nilang maghanap ng may Pinoy blood doon na puwedeng pumartner kay Maureen.

Meron din daw kasing mga guwapo at may potential na mga Pinoy blood doon na nagmu-model at nag-aartista. Kaya baka meron daw silang makitang puwede ring pasikatin dito.

May ilang kilalang aktor na ring nagpa-audition pero hindi pa sila na-pair lahat kay Maureen kaya hindi pa alam kung swak o may chemistry silang dalawa.

Sabi nga raw ng iba, baka si JK Labajo naman ang hinihintay dahil puspusan daw ang pagpapayat nito.

Baka gusto nga niyang siya na ang maka-partner ni Maureen, dahil para naman talaga sa dalaga ang kanta niyang Buwan, at tanging siya lang ang pina-follow nito sa Instagram.

Erin at Michael maayos ang usapan sa anak

Ang dating miyembro ng GirlTrends na si Erin Ocampo ang isa sa ipinakilala ng GMA Artist Center na bagong Kapuso.

Kasama siya sa The Beautiful Justice na magsisimula na bukas pagkatapos ng 24 Oras.

Nang nakatsikahan namin si Erin sa mediacon nila nung nakaraang linggo, hindi naman niya itinatago ang pagkakaroon niya ng anak sa balladeer na si Michael Pangilinan.

Isang baby boy ito na tinawag nilang si Kiel, hango rin sa madalas na tawag kay Michael na si Kel. Tatlong taon na ang bagets na madalas na naman daw nahihiram ni Michael.

Matagal na raw silang hiwalay ni Michael pero okay daw sila ngayon para sa kanilang anak.

 “As a tatay, sobrang focus siya kay Kiel everytime sa kanya.

“Nakikita ko naman kung papano niya inaalagaan yung bata, naga-update po siya sa akin eh.

“So, nakikita ko naman pong gusto niya talagang magpaka-tatay. Okay na po yun sa akin,” napapangiting pahayag ni Erin.

Malaki ang pasasalamat ni Erin sa GMA 7 dahil binigyan siya ng chance na makabalik sa showbiz, dahil for nine years daw siyang nag-aartista, parang nababagalan daw siya sa takbo ng career niya at ang dami niyang pinagdaanan.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with