^

PSN Showbiz

Julia hindi kawalan? Joshua mas lalong sumikat at naging in demand!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Julia hindi kawalan? Joshua mas lalong sumikat at naging in demand!
Joshua

From being the leading man to Janella Salvador sa seryeng The Killer Bride at sa naging magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang tambalan, mabilis ding nawala ang problema ni Joshua Garcia sa naging hiwalayan nila ni Julia Barretto, personally and professionally.

Mabilis na nakapag-adjust ang aktor, at kung may dapat man sigurong kabahan sa mga naging kaganapan, ito ay ang ex niyang si Julia.

Life goes on para kay Joshua. Sa lahat ng nangangailangan ng leading man, pangalan niya agad ang kasama sa mga pinagpipilian. Puwede siya kahit kay Janella, baka rin puwede siya kay Kisses Delavin o Elisse Joson.

The list continues, at happy lamang ang Batangueño guy to know na hindi siya mawawalan ng trabaho.

Lea ayaw tantanan ng mga tsismis

Sino naman ang nagpasimuno ng tsismis na mawawala si Lea Salonga bilang judge sa The Voice Kids? Eh napakaganda ng kumbinasyon niya kina Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo.

Hindi mo naman masasabing put on at scripted yung mga pinaggagagawa nila dahil genuine ang pakiramdam ng audience nila, kaya nga ganun kataas ang ratings ng TVK. Perfect for Lea to stay on with the show.

Mga Pinoy ‘wag ipilit sa basketball

Nako naman, huwag na nating piliting mamayani sa basketball, laro ng matatangkad na tao ito. Hanggang ngayon kasi ay nag-iilusyon pa rin ang mga Pinoy na may chance tayo rito. Maski nga sa Asya, bansot tayo kung ikukumpara sa mga kapatid nating Asyano. Kaya please lang hanap tayo ng sports where we can excel, at sana lang suportahan kayo ng gobyerno. 

Kyle, Francine at Andrea tuloy ang love triangle

Unlike Seth Fedelin na ang pamilya ang prayoridad kaya malabo itong magkaroon ng lovelife, mauunahan siya ng mga kasamahan niya sa The Gold Squad na sina Kyle Echarri, Francine Diaz at Andrea Brillantes pagdating sa mga usaping pag-ibig. Tila nagkakaroon nga ng love triangle sa pagitan ng tatlong mga batang bituin ng Kadenang Ginto.

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with